Libu-libong workers ng ABS-CBN gumawa ng ‘Open Letter’
ISYU AT BANAT - Ed de Leon (Pang-masa) - June 21, 2019 - 12:00am

Ilang libo nga bang manggagawa ang mawawalan ng trabaho kung masasara ang ABS-CBN? Gaano rin karami ang mga miyembro ng kanilang pamilya na umaasa sa kanila? Iyan ngayon ang bigat noong sinasabing “open letter” na ipinadala ng mga empleyado ng ABS-CBN na posibleng mawalan ng trabaho kung hindi nga aaksiyon ang mababang kapulungan ng Kongreso para maipasa ang isang batas na muling magbibigay sa ABS-CBN ng karapatang gamitin ang himpapawid sa susunod na 25 taon.

Pero may nagsasabi nga na ang kahilingan ng mga empleyado ay baka hindi mapansin dahil kung titingnan ang record ng ABS-CBN, iilan lang naman ang lumalabas na empleyado nila. Karamihan sa nagtatrabaho sa kanila ay mga manggagawa mula sa iba’t ibang agencies na kinokontrata lamang nila. Iyon din namang “under direct hiring” ay lumalabas na “talents” lamang. Ibig sabihin contractual employees din. Ginagamit naman iyan ng mga kritiko nila na hanggang ngayon daw ay pinaiiral ang kontraktuwalisasyon na nagsimula ring umiral noong magsimula sila sa ilalim ng Cory government.

Noon kasing panahon ni Marcos, pagkatapos ng anim na buwan, automatic na regular employee na ang isang manggagawa, na siyang gustong ipatupad ng labor ngayon. Pinaaalis na nila iyong “endo”.

Isa lang iyan sa mga issue na inilalabas ng mga kritiko ng network. Pero kung kami ang tatanungin, talagang maaapektuhan ang mga manggagawa oras na ipatigil ang ABS-CBN, maliban na lang kung may bagong investor namang makasasalo sa network o makapagtatayo agad ng isang bagong network, makakakuha ng prangkisa, at kukunin din ang mga manggagawa ng ABS-CBN.

Kung bagong network ang papasok, baka masabi pang mas gaganda ang katayuan ng mga manggagawa dahil mababago na iyang sistema ng “talent” system. Mawawala na ang endo. Ok lang talaga kung ang artista ay “talent” lamang, pero iyong maski ang mga production assistant at messenger gagawin mong “talent”, iba na iyon.

GMA kapos sa magagandang babae

Nakita namin sa TV iyong rehearsals lamang ng sayaw na gagawin ng anak ni Mayor Isko Moreno na si Joaquin sa isang TV show. Mukha ngang totohanan na ang pagpasok niya sa showbusiness. At sa tono ng mga salita, magsisimula rin siya sa GMA kung saan din nagsimula ang career ni Mayor.

May hitsura ang anak ni mayor at mukhang matinee idol. Palagay namin kinakabahan na naman ang ibang male stars diyan sa GMA ngayong pumasok si Joaquin. Marami sa kanilang matinee idol type na puwedeng sugalan. Ang kulang sa GMA ay ang puwedeng leading lady. Doon sila kinakapos.

Ang mayroon sila, mga pang-Bella Flores at Zeny Zabala lang. Mayroon pa silang pang-Nori Dalisay.

Alex at Direk Rico walang karapatang magpa-misteryo ang relasyon

Ano ba naman at bina-blind item pa iyong relasyon nina direk Rico Gutierrez at Alessandra de Rossi eh maliwanag naman kahit na sa kanilang mga social media account  na inaamin na nila ang kanilang relasyon. Kung mag-syota na, eh di mag-syota. Hindi na kailangan iyong magpapaduda pa.

Ano ba naman ang masama kung maging mag-syota sila eh pareho naman silang walang sabit sa ngayon?

ABS-CBN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with