Mariel tutok pa rin sa panganay
YUN NA! - Jun Lalin (Pang-masa) - June 21, 2019 - 12:00am

Ilang buwan nang buntis si Mariel Rodriguez sa kanyang second baby, pero siya pa rin ang tutok na tutok sa anak na si Isabella nang dumalo sila sa baptismal cum belated first birthday party ni Kai, ang bunso nina Richard Gutierrez at Sarah Lahbati.

In fairness to Mariel, kahit noong mag-attend sila ni Isabella sa isa ring children’s party nina Richard at Sarah, kahit pa may mga yayang kasama, ang misis pa rin ni Robin Padilla ang nag-aasikaso sa anak.

Marami ang cute na cute kay Isabella sa party ni Kai na gusto sanang magpa-picture sa bata, pero sobrang enjoy si Isabella sa paglalaro.

Nakakaaliw nga si Isabella na hinihila ang nanay dahil gustung-gusto maglaro.

Kisses laging nauunsyami sa ka-loveteam

Tinanong ko ang isang malapit kay Kisses Delavin kung may “gap” ba ang dalaga sa dating ka-love team na si Donny Pangilinan, pero “wala” ang sagot nito.

Ang alam ng kausap ko, hanggang Playhouse na lang talaga ang love team ng dalawa.

Hindi rin masigurado ng kausap ko kung magkakaroon pa ba ng bagong ka-love team si Kisses lalo na at busy raw ito sa studies sa De La Salle University.

May mga nagsasabi naman na parang nauuwi lang sa wala ang mga ka-love team ni Kisses dahil bago nga si Donny ay naka-love team din niya si Marco Gallo, kaya dapat daw na huwag na lang hanapan ng bagong ka-love team ang dalaga at iba’t iba na lang ang ipareha sa kanya sa bawat project.

Well...

Aktres na taga-ibang network, nakasabay ng newcomer sa audition ng Darna

May isang showbiz newcomer na nag-audition sa Darna movie project ng Star Cinema ang tinanong ko kung ano ang ipinagawa sa kanya.

May script reading lang daw.

Ni hindi raw siya pinasigaw ng “Darna”.

Inamin din ng nakausap ko na unang tinawag ang isang aktres na taga-ibang network.

At dahil closed door ang audition, hindi raw niya alam kung ano ang ipinagawa sa aktres na ito.

‘Yun na!

MARIEL RODRIGUEZ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with