^

Pang Movies

Jon ng Hashtag lumipat na ng manager

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Jon ng Hashtag lumipat na ng manager
Jon Lucas

Nagpaalam na ang dating Hashtag member at Kapamilya actor na si Jon Lucas sa ABS-CBN at sa Star Magic. He’s now being managed by Becky Aguila Artists Management (BAAM) ng mag-inang Becky and Katrina Aguila.

Sa madamda­ming post ng aktor kahapon sa Instagram, nagpasalamat siya sa Kapamilya network at sa mga taong nakasama niya sa loob ng 6 na taon niyang pagiging Kapamilya kasabay ng kanyang pamamaalam.

“Hello Kapamilyas all around the World! Just wanna say thank you for everything! Thank you for the love that you gave me and my family :) Thank you for the wonderful 6 years you’ve given me! I will forever be grateful and blessed to be part of your wonderful Family!

 “Ngunit alam ko rin na ako’y lubos na nagkulang sainyo, lalo na sa mga taong malalapit sakin, na noong una ay labis labis ang pagtulong sakin para maabot ko ang aking mga pangarap. Lubos po akong nagpapasalamat sainyo!

“Salamat sa sakripisyo at pang-unawa na hindi matatawaran. SALAMAT SA LAHAT NG MGA BOSS! MARAMING SALAMAT SA STARMAGIC FAMILY KO!! MARAMING SALAMAT SA IT’S SHOWTIME FAMILY KO na mga naging Kapamilya kong tunay sa mga nagdaang taon.

“Salamat sa Malupit kong handler na si Ate Gidget Dela Cuesta. Sa loob ng anim na taon na katigasan ng ulo ko eh tinuring niya ako bilang anak (na pasaway)  gayunpaman Maraming salamat sa mga payo at saway mo! Salamat sa lahat ng Road Managers ng Starmagic na matiyaga kaming iningatan at inalagaan!

“Salamat din sa mga kaibigan ko sa industriya! Diko na kayo iisa-isahin basta lahat ng nakatawanan ko, nakasama ko sa kalungkutan, sa kalokohan, sa mga meetings na malapit na kamo kami alisin! kayo ay tinuring kong mga kaibigan. DABEST KAYO!!

“SALAMAT SA MGA FANS! Na naging tunay na kaibigan at kapamilya! Kung may pinakamahusay magtiyaga para sa taong mahal nila, ay KAYO YON! Hindi matatawaran ang hirap at pagod niyo para lamang samin. Hindi namin kailanman masusuklian yung efforts niyo! Ang kaya lang namin gawin ay mahalin din kayo tulad ng pagmamahal niyo samin!” ang kabuuan ng post ni Jon.

Sa IG account ng BAAM ay mababasa na rin ang welcome post ng talent management sa kanilang bagong talent.

vuukle comment

JON LUCAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with