^

Pang Movies

Eddie expected na ang panalo!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Eddie expected na ang panalo!

Expected iyon, mananalong muli si Eddie Garcia bilang best actor. Hindi masasabing nakuha niya ang award dahil sa kanyang sitwasyon ngayon at may mga naghahabol na bigyan siya ng parangal, talagang dapat naman siyang manalo. Noong mga nakaraang panahon, may mga panalo si Eddie Garcia na hindi kami kumporme, kasi sinasabi nga namin na kanya-kanyang choice iyan eh, pero batay sa mga pelikula noong nakaraang taon, talagang halos wala siyang kalaban.

Doon sa mga inilabas na pelikula noong nakaraang taon, basta tinalo mo si Eddie Garcia, mag-isip ka na. Baka pinagtatawanan ka pa.

Matapos na manalo sa Urian, iyong balita na siya ay muling naging best actor ay ipinaabot daw mismo kay Eddie Garcia, bagama’t hindi natin alam kung namalayan pa nga ba niya iyon dahil nananatili siyang comatose. Pero tandaan ninyo, mayroong sinasabing comatose pero active ang utak at nalalaman pa rin ang mga nangyayari. Inihatid din sa kanya ang kanyang napanalunang tropeo.

Siguro nga isa lang iyan sa napakaraming tropeo ng karangalan ni Eddie Garcia, hindi lamang bilang isang actor kung hindi bilang isang director din.

Pero sa kanyang sitwasyon ngayon, at sa sinasabi ng kanyang mga doctor na maaaring maging paralisado na siya, baka isa na iyan sa mga huling tropeong matatanggap niya bilang isang actor. Palagay namin hindi pa iyan ang huli. Palagay namin may darating pa. Hindi natin masabi talaga, iyan ay palagay lang namin. Hindi kami ang nagbibigay ng awards.

Pero ang sinasabi ng marami, dapat sana si Eddie Garcia ay naideklara na ring isang national artist noon pa. Pero aywan nga ba kung bakit hindi siya masyadong napapansin.

Kasi nga siguro aktibo pa siya bilang isang actor. Pero ngayon  dapat pag-isipan na nila iyan.

Shanti Dope matagal nang kinokonek ang pangalan sa masamang gamot

Ang kumilos ngayon ay ang National Telecommunications Division. Inutusan noon ng Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP) na itigil na ang pagpapatugtog ng awiting Amatz na ginawa ni Shanti Dope dahil sa iniharap na objections ng PDEA na iyon ay kumukumbinsi sa pagamit ng bawal na droga.

Honestly, hindi namin alam kung iyan ay saklaw pa nga ng NTC. Ang alam namin ang program content ay dating hawak ng Radio Control Office, na pinalitan ng NTC. Pero iyon mismong KBP, mayroong program standards committee kasi nga pinayagan na ang self regulation sa media.

Kung may aangal, maaari nilang kuwestiyunin ang desisyong iyan sa korte, pero kung kami ang tatanungin, huwag na lang. Sumunod na lang sila. Isang kanta lang naman iyan. May iba pa namang kanta si Shanti Dope. Iyon nga lang alyas ang Shanti o Sanskrit o Indian na ang ibig sabihin ay kapayapaan. Nang idugtong iyan sa dope, na ibig sabihin ay illegal drugs, parang sinasabi mong “peace in illegal drugs”. Doon lang matatauhan ka na eh.

Female star na nakipag-­inuman sa manliligaw, instant ang relasyon

Kasabihan na nga, “basta may alak, may balak”. Nakipag-inuman ang isang female star sa isang suitor. Wala naman silang relasyon bagama’t nagpapakita nga ng interest sa kanya ang lalaki. Nagkalasingan, at kinabukasan nang magising sila, mag-syota na silang dalawa. Hindi na makapalag ang female star, dapat maging mag-syota na silang dalawa.

Kasi naman iinum-inom hindi naman pala kaya eh. Ayan tuloy.

vuukle comment

EDDIE GARCIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with