Kris Aquino
Kris napindot lang ang delete button kaya nawala ang social media accounts!
SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar (Pang-masa) - June 19, 2019 - 12:00am

Anubeyen…

Balik-social media na si Kris Aquino ngayon matapos mawala ng isang araw ang kanyang accounts at sa kanyang recent post ay ipinaliwanag niyang aksidente raw niya itong na-delete.

“I’m sorry, i temporarily disabled with no explanation & some got offended thinking they got blocked,” ang bungad ni Kris sa kanyang Instagram post.

Ikinuwento niyang nagbasa raw siya ng mga libro lately and hinted for a new movie project na sisimulan niya ngayong September.

“I read several books on IKIGAI (google na lang please or else sobrang haba nito, but it reenforces my affinity for and my quest for peace & healing)... i’m directly quoting “in life we sometimes misplace priorities and significance... if you can make the process of the effort your primary source of happiness, then you have succeeded in the most important challenge of your life...

“The inner joys and satisfaction will be more than enough to make you carry on with your life.”

“Inaamin ko naman, when i get immersed in something i go all in- so i read 5 books on IKIGAI, re-read Marie Kondo’s books (The Life Changing Magic of Tidying Up and Spark Joy), and now i’m reading Kintsugi Wellness.

“I also read books on HYGGE from the Danish, FIKA and LAGOM from the Swedish. books to help me be less stressed & appreciative of what’s here & now i devoured.

“What does all my reading have to do with my horror movie posters? in i asked myself what do i want to go back to that will encourage & inspire me to regularly do the water physiotherapy my doctors were all recommending? and this script was emailed to me.

“I won’t give specific details, mabait ang producers because i had asked to start in September when i feel my immunity can take on the physicality required, but for now i need to strengthen myself. thank you for your patience with me. i’m learning to exercise that with myself, too,” ang pahayag ni Kris.

Tatlong magkakasunod na bagong post ang mababasa sa IG account ni Kris which means she’s really back at mukhang hindi naman niya balak magpahinga sa socmed.

Kathryn tinuturuang mag-I love you ang ‘anak’ na aso nila ni Daniel

Naaliw kami sa video ni Kathryn Bernardo na tinuturuan niyang magsalita ng “I love you” ang alaga niyang aso na si Tala. Pinagagaya niya ang paraan ng pagsasabi niya na ang “you” ay mahaba na parang umuungol na aso.

Paulit-ulit niya itong tinuruan at talagang panay ang sabi niya na “do it.” As if naman, makakapagsalita nga ang aso.

Maraming alagang aso si Kath at ang nakakatuwa pa, pinagbukas pa niya ng IG account ang mga ito na ang username ay “bernardogcath.” Nakalagay sa deskripyon na ang parents ay silang dalawa ni Daniel Padilla. And mind you, may 108,000 followers na ang doggie account.

Dito makikita ang larawan ng kanyang mga aso at dito nga rin niya pinost ang video ng pagtuturo niya ng “I love you.”

Ang dami namang natuwa sa video at komento nila, ang cute raw ng mag-ina. May nagbiro ring kay Daniel Padilla na lang daw ni Kath sabihin ang “I love you.”

KRIS AQUINO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with