Vilma Santos-Recto
Vilma takot nang gumawa ng pelikula!
#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo (Pang-masa) - June 19, 2019 - 12:00am

Kaya nagiging choosy

Hindi pa solved si Congresswoman Vilma Santos-Recto sa script ni director Adolf Alix, Jr. para sa movie na pagsasamahan sana nila ni Alden Richards. “’Yung kay Alden, ‘yun din ang offer ni Derek Adolf. Nothing is final kasi hindi pa ako open sa story. I’m excited to do films again kaya lang sana ‘yung istorya iba naman!!

“Sana may magandang script na pumasok at maganda din co stars! Mapili na tao ngayon sa panonoorin kasi mahal na sine...Katakot din,” text sa amin ni Cong. Vi.

Bago magsimula ang 18th Congress this July, pahinga muna si Cong, Vilma matapos ang kampanya niya bilang Congresswoman ng Lipa City lone district at pinalad na naman siyang manalo.“Break lang muna ako ngayon kasi ngayon pa lang ako nakapahinga  at break co’z after massive campaign tuloy pa din ang trabaho sa Congress at tinapos namin 17th Congress.

“Now break and prepare for 18th Congress sa July. Bakasyon  muna kahit sandali,” saad pa ng congresswoman sa amin.

Matagal na rin ang huling movie ni Ate Vi na Everything About Her kaya sabik na rin siyang umarte sa big screen.

AiAi wish ang kaligayahan ni Alden

Fresh ang dating kay AiAi delas Alas si Alden Richards sa ginawang movie under Star Cinema, ang Hello, Love, Goodbye.

“Nakita ko ‘yon at natuwa ako para sa kanya. Haping-hapi ako sa kanya at gumawa sa Star Cinema.

“Parang fresh kasi na ka-partner si Kathryn. Parang fresh na fresh ang movie nila na excited kang mapanood. Saka parang kikiligin ka dun sa I Love You,” pahayag ni AiAi sa huling interview with the press.

Magigiging bahagi ng June 24 concert niya sa Araneta Coliseum si Alden at wish niyang magkaroon na ito ng lovelife.

“Kasi parang pagod na pagod siya sa work. Gusto ko namang magkaroon siya ng happiness. Oo happy siya sa family pero iba ang nabibigay na happiness ng family mo,” rason ni AiAi.

Tinanong ba niya si Alden nu’ng na-link siya kay WinWyn Marquez?

“Secret! Secret! Ha! Ha! Ha! Walang lumalabas sa boses ko! Bigla akong napaos. Tinanong ko lang. Ayoko nang sabihin ang sagot!” diin ni AiAi.

Showing na ngayon ang movie ni AiAi at Bayani Agbayani na Feelennials na produced ni Pops Fernandez na aliw mula simula hanggang wakas ayon sa press na nakapanood sa premiere.

VILMA SANTOS-RECTO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with