^

Pang Movies

Big break ni Gabbi mauudlot dahil sa nangyari kay Eddie!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Big break ni Gabbi mauudlot dahil sa nangyari kay Eddie!
Gabbi Garcia

Ayokong isipin na mauudlot ang big break ni Gabbi Garcia sa telebisyon dahil sa aksidente na nangyari kay Eddie Garcia sa set ng Rosang Agimat noong June 8, 2019.

Hindi sinasadya at walang may gusto na maganap ang aksidente pero puwedeng ito ang maging dahilan para maiba ang plano ng Kapuso Network para sa Rosang Agimat.

Ganyan talaga ang buhay, may mga nagaganap na out of your expectation and imagination na maaari na maging dahilan para biglang magkaroon ng hadlang ang smooth path na dadaanan.

For this incident, dapat na maging mas matibay at malawak ang isipan ng lahat na involved sa project para higit na lumiwanag  ang kanilang mga pananaw.

Tiyak maganda ang project, ayos na ang lahat, nakapagsimula na, nangyari ang aksidente, ano ang gagawin at mga susunod na mangyayari?

Paano na ang production, ang mga artista na kasali, paano na ang matagal na preparasyon?

Kahit siguro si Eddie, hindi gugustuhin na mahinto ang lahat at hindi rin siya papayag na mawala ang isang project na makakatulong sa mga kapwa niya artista kaya dapat maging mabilis ang  desisyon sa gagawin, tulad ng bilisan ang pag-aayos upang hindi maulit ang mga ganitong aksidente at magawan ng paraan na maging safe ang lugar ng shooting.

Gawin natin positive ang naging epekto ng aksidente na walang may gusto na mangyari para hindi naman mas marami ang mawala at maging maayos na ang lahat habang maaga.

Hintayin na lang natin ang official announcement ng GMA-7 tungkol sa magiging kapalaran ng Rosang Agimat na matagal nang pinaplano pero ngayon lamang matutuloy.

At kung kailan nag-umpisa na ang taping ng Rosang Agimat, saka naman nagkaroon ng aksidente na dahilan para mahinto ang taping ng upcoming primetime television series ng GMA-7.

Alam n’yo ba na ang Rosang Agimat ang isa sa mga shelved project ng Kapuso Network noong 2007. Si Rhian Ramos ang napipisil na gumanap noon bilang Rosang Agimat pero hindi natuloy ang balak.

After twelve years, decided na ang GMA-7 na ituloy ang Rosang Agimat na launching teleserye ni Gabbi.

Nagkaroon ng story conference at impressive ang cast dahil starring nga sina Eddie, Celia Rodriguez, Tonton Gutierrez, Roi Vinzon, Thea Tolentino, Luz Valdez, Jeric Gonzales at Victor Neri.

Tuwang-tuwa si Jeric sa storycon ng Rosang Agimat dahil hindi siya makapaniwala na makakatrabaho niya si Eddie na isa sa mga itinuturing na alamat.

Short-lived ang excitement na naramdaman ni Jeric dahil nga sa aksidente na nangyari sa veteran actor na iniidolo niya.

Christian at Julie Anne tagumpay sa unang concert

Maganda pala ang naging resulta ng mga naunang concert nina Christian Bautista at Julie Anne San Jose kaya ngayon go naman sila sa Cagayan de Oro sa July 6 sa Atrium ng Limketkai Center.

Tagumpay ang buong tropa na binuo ng GMA kaya malaki ang posibilidad na magtuloy-tuloy at malayo pa ang mara­ting ng concert na kasama rin sina Donita Nose, Tekla at Kyline Alcantara.

Nagustuhan ng lahat ng mga nanood ang unang show nina Julie Anne, Donita, Tekla at Christian kaya sure na magtatagumpay ang Cagayan de Oro concert ng The Sweetheart and the Balladeer. Watch n’yo ‘yan.

vuukle comment

GABBI GARCIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with