^

Pang Movies

Bong mas masuwerte kesa kay Jinggoy

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Bong mas masuwerte kesa kay Jinggoy
Senador Bong Revilla

Mukha ngang mas masasabing mas masuwerte si Senador Bong Revilla kaysa sa kanyang kaibigang si Jinggoy Estrada. Hindi lamang dahil nanalo siya noong nakaraang eleksiyon kung di dahil sa sinabi ngayon ng Sandigang Bayan na sa tingin nila ay may sapat na ebidensiya para ituloy ang kasong plunder laban kay Jinggoy.

Nauna riyan sinasabi nga nilang suwerte si Jinggoy dahil pinayagan siyang makapag-piyansa samantalang si Bong ay nanatiling nakakulong, pero naabsuwelto nga si Bong dahil sinasabi ng Sandigang Bayan na kulang ang ebidensiya laban sa kanya.

Ang desisyong iyon, kailangan pa nga sigurong iapela ni Bong dahil hindi sinabing wala siyang kasalanan. Ang sabi kulang lang ang ebidensiya at ipinababalik pa sa kanya ang halagang sinasabing involved sa kaso.

Iyon din namang sinasabi nilang may sapat na ebidensiya laban kay Jinggoy, pag-uusapan pa nang matagal iyan sa korte at kung ano man ang kanilang desisyon maaari pa naman siyang umapela sa mas mataas na hukuman. Ang maganda nga lang, nasa labas naman siya at siguro maaari namang gumawa ng pelikula, o maging producer.

May fans pa rin naman si Jinggoy na naghihintay na mapanood siya sa pelikula o maaari ring sa telebisyon dahil nauuso na rin naman ang action ngayon sa TV. Kung natatandaan ninyo, may panahon din na nag-produce siya ng mga pelikula na natigil nga lang dahil sa naging kaso niya noon.

Unang nakulong si Jinggoy nang samahan niya ang kanyang ama, si dating presidente Erap sa kaso rin ng plunder na lumabas noong bandang huli na wala naman pala siyang kinalaman at hindi naman talaga dapat makulong. Bale ikalawang kaso na iyang hinaharap niyang iyan.

John Lloyd nilabas na ang BAGONG ginagawa nila ni Bea!

Hindi lang nagkita sa Palawan, ngayon maliwanag nang may ginawang project si Bea Alonzo na kasama si John Lloyd Cruz noong magkita sila sa Palawan. Kasi may lumabas na mga picture, mukhang shooting iyon. Hindi lang maliwanag kung iyon nga ba ay isang pelikula, isang TV show, o isang television commercial. Pero kuha ang pictures sa beach at may makikita na mga shooting equipment sa paligid.

Siguro nga, sabi ng ilang observers, tatapusin na ni John Lloyd ang kanyang indefinite leave. Tutal naman nakapanganak na si Ellen Adarna. Napabinyagan na nila ang kanilang anak. Sinasabing tapos na rin ang kanilang bahay. Maayos na ang kanyang pamilya kaya siguro nga maaari na niyang balikan ang kanyang career para masiguro naman ang kinabukasan ng kanyang anak.

Bading nag-reality show galit sa kapwa beki dahil sa pang-aagaw ng kalandian!

“Hate ko siya,” sabi raw ng isang bading na reality show participant tungkol sa isang gay television host. Ang dahilan ay dahil nakita nga niya sa social media ang gay television host na nasa isang restaurant lang naman, na ang kasama ay isang male friend din ng reality show participant.

Ibig sabihin, nagkaroon din ng fling ang poging ka-fling niya sa gay television host.

Pero sinasabi naman ng iba, “bakit siya magagalit. Imposible namang hindi niya alam na iyong si pogi talaga namang sumasama sa mga bading, sa kahit na sinong bading na makakapagbayad sa kanya. Baka mas magalit siya kung makita niyang ang kasama noon ay isang matandang bading”. Iyon na.

vuukle comment

BONG REVILLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with