^

Pang Movies

Andi kumikita na sa pagpapa-renta ng lodging house!

VEROFIED - Veronica Samio - Pang-masa
Andi kumikita na sa pagpapa-renta ng lodging house!
Andi Eigenmann

Matagal bago nalaman ng champion surfer mula sa Siargao na si Philmar Alipayo na isang sikat na artista ang girlfriend niyang si Andi Eigenmann. Sanay na kasi siyang dinudumog ng fans at nagpapakita ng interes sa husay niya sa surfing. Buong akala niya ay isa lamang si Andi sa fans niya na gustung-gusto siya makasama sa litrato. Nung magkaalaman na lamang sila ng feelings at saka may nagsabi kay Philmar ng kasikatan ni Andi bilang artista. Pero, hindi nakaapekto ito o nakabawas sa confidence ng surfer. Secure si Philmar sa kanyang kakayahan hindi lamang bilang isang surfer kundi bilang isang champion surfer. Ito ang kinahihiligan ngayon ng aktres at kahit na buntis siya ay hindi siya maawat sa kanyang sport.

May blessing naman ng kanyang doktor ang hilig ni Andi sa surfing at alagang-alaga siya ni Philmar, sila ni Ellie na kasama nilang namumuhay sa Siargao kapag walang pasok sa iskwela.

Isa pang anak ni Robin susubukang mag-direk

May isa pang kapatid si Kylie Padilla na susubok din ng showbiz pero, hindi bilang artista kundi bilang isang direktor. Una nang pumasok ng showbiz ang ate niyang si Queenie Padilla pero hindi nagtagal at mas pinili ang katahimikan ng isang buhay sa labas ng showbiz. Siya ang bunsong anak na babae nina Robin Padilla at Liezl Sicangco na kaga-graduate lamang sa isang unibersidad sa Australia sa kursong Film. Tanging sina Robin, Liezl at ang bunsong si Ali Padilla ang naroon sa graduation ni Zherileen Zhen Padilla, absent sina Kylie at Queenie pero, nagpadala sila pareho ng mensahe sa kanilang kapatid na nagtapos ng kolehiyo.

Sue bumawi sa pagkawala

Kung matagal mang hindi nakita si Sue Rami­rez sa mga kaganapan sa showbiz, agad naman itong makakabawi sa pagka-miss ng fans niya sa kanya dahil may mga dala-dala siyang mga proyekto sa kanyang reappearance. Tulad ng Sunshine Family, isang pelikula na sa Korea pa kinunan kasama ang mag-asawang Noni at Shamaine Buencamino.

Meron din siyang bagong TVC ng isang inuming panlalaki, at indie film, ang Huddle Weather kasama si RK Bagatsing.

vuukle comment

ANDI EIGENMANN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with