^

Pang Movies

Nagkakaedad na aktres na ayaw nang mag-manager kinukumpara sa iba ang TF bago umoo sa project

YUN NA! - Jun Lalin - Pang-masa

Expired na pala ang contract ni aktres sa kanyang manager kaya pala may ibang nakaka-direct na sa kanya ng mga inquiry nila para sa kanyang serbisyo.

Mas type rin daw ni aktres na deretso na sa kanya ang mga inquiry dahil hindi na siya mababawasan pa ng komisyon at mas madali rin naman daw siyang makapagdesisyon kung tatanggapin ba niya o hindi.

Pero ‘yung exclusive contract naman ni aktres sa isang TV network, ‘yung dating manager niya ang nagsara, kaya ‘yon pa rin naman ang umaayos ng schedule pagdating sa kanyang TV projects

Actually, may isang medyo aging actress na rin ang noon pa ay nagdesisyong huwag na magkaroon ng manager dahil ayaw ngang magbigay ng komisyon.

Sa medyo aging actress na dumederetso ang mga may gustong kumuha sa kanyang serbisyo.

Pero kapag may mga inquiry raw sa kanya ay ang hilig munang mag-“fish” ni medyo aging actress sa ibang mga artista rin kung magkano ang ibinayad sa kanila ng mga kliyenteng ‘yon at saka pa lang nagde-decide.

Sabi nga ng isang agent sa isang event na naka­tsikahan ko, bakit hindi na lang magsabi si medyo nagkakaedad na actress kung magkano ang talent fee na gusto niya kesa nagko-compare pa siya sa ibang mga artistang kasama niya, ‘noh?!

“Paano kung ang pinagtanungan niya, eh, nag-padding sa TF?” sabi pa ng agent na nakatsikahan ko.

Well, tama nga naman. May iba kasi na mahilig mag-padding ng TF para palabasing “mamahalin” sila, huh!

Premiere ng Feelennial, star-studded!

Ang star-studded premiere night ng Feelennial (Feeling Millennial) movie nina AiAi delas Alas at Bayani Agbayani kagabi sa SM Megamall cinema 4.

Masipag at matiyaga kasi sa pag-i-invite ang isa sa executive producers na si Pops Fernandez.

Ang Cignal ang kasosyo ni Pops at ng kanyang mga kaibigan sa Feelennial, pero nakikiusap siya sa lahat ng mga kakilala na tulungan siyang mag-promote sa social media dahil bukas na ang showing nila.

Sabi ni Pops, ibang bagay rin na napo-promote sila sa social media.

Pati press-friends ay grabe rin ang pakiusap ni Pops na isulat ang Feelennial dahil iba pa rin daw kapag nababasa ang pelikula nila sa mga tabloid at newspapers.

“I really love the press people, grabe ang tulong nila sa promotions ng Feelennial,” sey ni Pops.

Siyempre, ang ex-husband ni Pops, si Martin Nievera ang isa sa mga celebrity na dumating kagabi sa SM Megamall.

Relasyon ni Janine kay Rayver wala pa ring label

Sabi ni Janine Gutierrez nang makatsikahan ko, wala pa ring label ang closeness nilang dalawa ni Rayver Cruz.

So, hindi pa rin pala puwedeng sabihin na mag-sweethearts sila.

Dahil mabait sa akin ang bida ng Dragon Lady ng GMA 7, paniniwalaan ko na lang siya kahit duda ko naman ay boyfriend na niya si Rayver.

Hahaha!

vuukle comment

JANINE GUTIERREZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with