Jillian Ward
Jillian Ward ayaw nang maging bata
TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis (Pang-masa) - June 17, 2019 - 12:00am

Magpapaka-mature na ang dating child star na si Jillian Ward. First mature role niya ang mapapanood sa upcoming series na Prima Donnas.

Ayon kay Jillian, excited na siya sa kanyang karakter bilang si Donna Marie, ang panganay sa tatlong Donnas. Makakasama niya rito sina Althea Ablan at Sofia Pablo bilang sina Donna Belle at Donna Lyn. “Ako ‘yung pinaka-ate, ‘yung pinaka-responsable. And nae-excite po ako kasi gusto nila, bagong Jillian Ward na raw po ‘yung makikita nila,” saad ni Jillian. Nasubaybayan on TV ang pagiging cute at bibong child star ni Jillian kaya naman excited ang Kapuso viewers at fans sa kanyang new show kung saan mapapanood na siya bilang isang ganap na teen star. Level up na talaga si Jillian!

Makakasama rin nina Jillian, Althea, at Sofia sa Prima Donnas sina Katrina Halili, Wendell Ramos, Aiko Melendez, at Chanda Romero.

Panonood ng pelikulang Pinoy, nagpapasaya sa magsasakang may sakit

Umiikot ang buhay ni Marvin Laparan sa paglilingkod sa kanyang amang may karamdaman.

Mula umaga hanggang gabi, laging kapi­ling ni Marvin ang ama na isang dating magsasaka sa Davao del Norte, para tugunan ang mga pangangailangan nito.

“Simula nung nagkasakit si Papa, ako na ang nag-aalaga sa kanya. Inaalagaan namin siya tulad ng pag-alaga niya sa amin,” ani Marvin.

Batid ni Marvin ang sakit na iniinda ng ama, kaya naman naisipan niyang magpakabit sila ng SKYdirect para hindi mainip ang ama kahit nasa bahay lang. Ngayon, nalilibang na ang tatay ni Marvin sa panonood ng mas maraming palabas tulad ng mga pelikula sa Cinema One dahil parang nanonood na rin siya ulit ng movie sa sinehan.

Mas naging malapit na rin ang kanilang pamilya at mas nagkaroon ng kulay ang tahanan nila dahil daw madalas nanonood sila ng telebisyon na magkakasama.

Isa ang pamilya ni Marvin sa maraming buhay na mas napasaya hatid ng mga exclusive at HD channels ng SKYdirect. Kaya naman bilang pasasalamat sa mahigit na 1 milyong subscribers nito ngayong 2019, mamimigay ang SKYdirect ng P1 Million in total prizes para may chance manalo ng P100,000 kada linggo ang mga prepaid at postpaid subscribers na magre-register.

JILLIAN WARD
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with