Jinkee kabado sa laban ni Manny kay Keith Thurman
SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar (Pang-masa) - June 17, 2019 - 12:00am

Pinagreretiro na

Aminado si Jinkee Pacquiao na mas kabado siya sa laban ngayon ng asawang si Manny Pacquiao with Keith Thurman na magaganap sa July 20 sa Las Vegas dahil unang-una ay mas bata raw ito kay Pacman ng 10 taon.

Trenta ayos lang si Thurman at bukod dito ay undefeated champion pa raw. Pero ani Jinkee ay puspusan naman daw ang paghahanda ng mister sa naturang laban.

Wish nga niya na after this fight ay magretiro na ang mister although lagi nga raw sinasabi nito na gusto nito munang makaharap ulit sa ring si Floyd Mayweather, Jr.

Matatandaang tinalo ni Mayweather si Pacman noong 2015 and since then ay naghahamon na ang ating Pambansang Kamao ng rematch.

Pero mukhang hindi naman interesado si Mayweather na labanang muli si Pacman kaya ani Jinkee, sana raw ay last na itong darating na laban with Thurman. “Siguro, ito na lang ang last one. Siguro lang. Kasi pagkatapos nito, baka mag-iba na naman,” natatawang sabi ni Jinkee nang makausap namin last week sa launching ng anak niyang si Jimuel Pacquiao bilang endorser ng BNY Jeans Company.

Of course, kung si Jinkee ang tatanungin, noon pa ay gusto na niyang magretiro ang asawa sa boxing. Simula raw nang matalo si Pacman sa laban kay Juan Manuel Marquez IV noong 2012 na na-knockout ang mister, ayaw na raw niya talagang lumaban pa ito. At ganundin ang gusto ng buong pamilya. Talagang si Manny lang daw ang may gusto.

“Siya naman ang nakikipag-usap. Gusto talaga ng katawan niya. Parang hinahanap-hanap pa ng katawan niya,” sey ni Jinkee.

Active na ulit John Lloyd nagpasilip ng ginagawa nila ni Bea!

Bihirang mag-post sa kanyang Instagram account si John Lloyd Cruz at kung mag-post man, karamihan ay mga kung anik-anik lang na parang siya lang ang nakakaintindi.

Pero kahapon, sa pagdiriwang ng Father’s Day, binati ni Lloydie ang ama na nakaka-touch since hindi nga siya ma-post na tao.

Nag-post si Lloydie ng short video nila ng kanyang ama at sa dulo ay nakalagay na “let’s take more videos this year. Happy father’s day daddy. At sa lahat ng mga tatay diyan.”

Bukod sa kanyang pa-Father’s Day video, nag-post din si Lloydie ng mga larawan nila ni Bea Alonzo. Ito nga ‘yung sinasabing proyekto marahil ng dalawa na kinunan sa Palawan.

For sure ay nag-fiesta ang fans nila ni Bea sa mga larawang ipinost ni Lloydie dahil may kuha pa na nasa beach sila at habang nasa yate. ‘Yun nga lang, wala man lang paliwanag ang aktor sa mga larawan at ang tanging caption lang niya ay “images by paul mondok.”

Matatandaang nag-viral last week ang lumabas na larawan ng pagkikita nina Lloydie at Bea sa Palawan na akala nga ng lahat ay chance meeting lang.

After a few days ay saka pa lang na-reveal na may proyekto palang ginawa ang dalawa sa nasabing lugar. Kung ano ‘yun, hindi pa nila ina-announce.

JINKEE PACQUIAO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with