Aga Muhlach
Aga never napagalitan ang mga anak
YSTAR - Baby E (Pang-masa) - June 17, 2019 - 12:00am

Turning both 18 in November, Aga Muhlach said he cannot remember an instant when napagalitan niya ang either sa kambal nila ni Charlene Gonzales na sina Atasha at Andres for a grave misdeed. O, kahit pa a simple misdeed.

“Feeling ko, we brought them well. Kaya naman, proud ako that I’m their father,” ani Aga with pride.

Even with his panganay daw, si Iggy Boy, now married to and with four children, hindi siya nagka-problema bilang ama. Malaki rin daw ang pasasalamat niya kay Janice de Belen, actress-Mom ni Iggy Boy, for bringing him up well.

E, siya, how was he when he was growing up?

“Well,” ani Aga, nakatawa, “I remember na naging pasaway ako sa Papa ko (the late film producer, Cheng Muhlach).

“Lalo’t noon pre-teen year ko at sa Mandaluyong kami nakatira. Nakalaro ko mga kalyehero sa aming lugar.

“E, bawal sa Papa ko ang makipaglaro sa kanila, dahil kalye nga ang type nilang paglaruan. E, ang dami nga namang mga sasakyan ang dumaraan.

“Kaya, kung ilang ulit akong napalo dahil doon. At dahil din siguro sa mga palong iyon, kaya, in time, tumino ako.”

We had the chance na makausap si Aga four days before Father’s Day (which was kahapon, June 16), when Daikin airconditioning presented him to members of the press na their first ambassador or endorer dito sa Pilipinas.

‘Di pa gaanong kilala ang Daikin brand ng airconditioning dito sa Pilipinas, pero, sa Japan daw, 95 years na itong namamayagpag.

Naniniwala raw ang mga executive ng Daikin, na with Aga for their endorser, every Filipino would want a Daikin airconditioner installed in their home.

Bayani hindi tutol kung magpakasal ang anak sa kapatid ni Bea!

As a father on his part, ani naman ni Bayani Agbayani, may pagka-liberal siya. Mas disciplinarian daw ang asawa niyang si Lenlen, which is understandable, since all four kids nila ay pawang babae.

Dalawa sa mga ito ay tapos na ng college. Si Thalia, their panganay, is now a chef of a known eatery, and not only that, may boyfriend na ito. Si James Carlos, who happens to be the younger brother ng aktres na si Bea Alonzo.

In her early 20s now, nakita naman daw niyang mabait at responsible si James Carlos, hindi raw siya hahadlang should the two decide na magpakasal na. Bagama’t advise niya raw kay Thalia, na magpakasawa muna ito habang dalaga pa.

He is encouraging her to travel in as many foreign places. And if possible raw, sana may sarili na silang negosyo ni James Carlos, bago sila magsimulang magka-pamilya.

Tirso walang balak maging direktor

Hindi pala kasama sa bucketlist ni Tirso Cruz III ang mag-turn movie or TV director. Although, hindi pa rin daw niya masasabi.

But as it is, satisfied pa rin daw siya with the way his showbiz career is doing.

Right now, in fact, he considers his stint as a kontrabida in the trending series, The General’s Daughter as one for the book. After all, his following has always known him na matinee idol. Especially when he was still identified as the ka-love team ni Nora Aunor.

Lalong wala raw si Tirso sa complaint as Dad to his and his wife, Lynn, two children, Bodie at Djanin.

To date, grabe pa raw ang lungkot na kanyang nararamdaman sa tuwing sumasagi sa kanyang isipan ang pagkamatay ng kanyang panganay na si Teejay.

Teejay died of cancer last year.

Tirso says, he has no idea kung kailan matatapos ang The General’s Daughter. Although dalangin niya raw na magtagal pa ito sa himpapawid.

But this early, happily he announces, may upcoming assignment daw, na posibleng ang mamahala ay si Andoy Ranay.

AGA MUHLACH
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with