Jake umaming sobra-sobra ang pagmamahal kay Kylie
SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza (Pang-masa) - June 16, 2019 - 12:00am

Very open na sa kanilang relasyon sina Jake Cuenca at Miss International 2016 Kylie Verzosa.

Magkasama ang da­lawa sa naganap na Mega Equality Ball at marami ang nakasaksi sa pagiging sweet nila sa isa’t isa.

Heto ang magkakasunod na post ni Jake sa kanyang Instagram:

“I was definitely the luckiest guy last night to have you as my date

“No matter how hard I try I can’t look at you. You were breathtaking last night @kylieverzosa. Congratulations @mega_magazine for such an amazing evening.”

More than seven months na raw nagde-date sina Jake at Kylie. Pero wala pang masagot ang isa sa kanila kung ano na ba ang official status nila? Kung in a relationship na ba o hindi pa?

Sagot ni Jake: “I can only answer for me, kung ako ang tatanungin to confirm it, I’d rather we both are there at the same time and sagutin together, ‘di ba?”

Nasabi na rin ni Jake noon na mahal niya si Kylie at masaya siya kapag magkasama sila.

“I’m very open about what I feel, I do love her. From the bottom of my heart, mahal na mahal ko siya, this is the happiest I’ve ever been.”

Nagsimula ang magandang pagtitinginan nila Jake at Kylie sa set ng te-leserye nila na Los Bastardos.

Kilala si Jake sa mga na-link sa kanya tulad nila Angelica Panganiban, Yasmien Kurdi, Bea Alonzo, Melissa Ricks, Roxanne Guinoo, Sam Pinto, Jessy Mendiola, Lovi Poe, Chanel Olive Thomas at Sara Grace Kelley.

Cherie gusto nang pagpahingahin si Darna

May solusyon si Cherie Gil sa never-ending search sa puwedeng gumanap na bagong Darna. Suggest nito na gawan na lang ng pelikula ang kaaway ni Darna na si Valentina.

“Since wala pa silang mapiling gaganap na Darna, why not make a movie about Valentina? Yung mga kontrabida naman ang gawan nila ng pelikula, ‘di ba?” sabay tawa ni Cherie.

Gumanap kasi si Cherie bilang Valentina sa Darna movie ni Anjanette Abayari na Darna: Ang Pagbabalik noong 1994.

Uso nga raw kasi sa Hollywood na ang mga kontrabida ang ginagawan ng pelikula.

“Just like Maleficent. Hindi ba siya ang kontrabida ni Sleeping Beauty? Pero she has her own movie at si Angelina Jolie pa ang gumanap. At may part two na siya.

“Maybe it’s time na bigyan naman nila ng back story si Valentina. Kung saan siya nagmula at bakit siya naging kontrabida ni Darna?

“I’m very sure na maraming interesado sa project na ‘yan.

“Let’s give Darna a rest at ang mga kontrabida naman ang gawin bida this time,” diin pa ni Cherie na isa sa council members ng Starstruck Season 7.

Oscar winner na si Mira Sorvino umaming biktima ng date rape, tumangging makipag-relasyon sa mga direktor

Inamin ng Oscar winner na si Mira Sorvino na isa siyang survivor ng date rape.

Nagsalita si Mira sa harap ng sexual-assault advocates para ma-pressure ang state legislature “to drop the state’s statute of limitations on rape allegations”.

“I’ve never said that in public and I do not want to go into detail.

“I have never said that last part ever in public because it’s impossible sometimes to share these sorts of things and I’m doing it here to try and help.

“You feel shame. You feel like somehow it was your fault, that you should have been smarter, that you should have protected yourself better, you should have not taken that drink, who knows what was in it. That somehow you got yourself into this situation,” sey ni Sorvino.

Isa si Mira sa most prominent leader of the #MeToo and #TimesUp movements to call out sexual misconduct in Hollywood.

Kabilang ang aktres sa nag-akusa sa fallen film studio executive na si Harvey Weinstein ng sexual harassment, battery and generally uncouth behavior.

Pinaglalaban din ni Mira ang matapos na ang tinatawag na casting couch mentality sa Hollywood. Noong 16-years old daw siya, maraming film roles ang hindi napunta sa kanya dahil ayaw niyang makarelasyon ang directors or ang casting agents.

JAKE CUENCA KYLIE VERZOSA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with