Thai superstar na kahawig nina Catriona at Megan, bumisita
SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon (Pang-masa) - June 15, 2019 - 12:00am

Dumating sa bansa noong Thursday, June 13, si Urassaya Sperbund, Thai superstar at narito siya bilang global ambassador of Thailand tourism.

Si Urassaya ay mas kilala sa tawag na Yaya Sperbund, 26, at tatlong Lakorn (Thailand’s telenovela) na niya ang naipalabas dito sa GMA Network, ang pinakahuli ay ang The Crown Princess na natapos last month. 

Gumanap si Yaya na isang prinsesa na hindi lamang nasa palasyo kung hindi mahusay maki­paglaban, para sa kaligtasan ng kanyang pamilya at mahal sa buhay.

Marunong magsalita ng English si Yaya na Thai Norwegian kaya hindi siya mahirap kausapin at hindi kailangan ng interpreter.

Sa interview sa kanya ng 24 Oras, sinabi niyang mahal niya ang Pilipinas, noong bata pa raw siya, napagkakamalan siyang isang Filipina dahil sa skin color niya at tuwang-tuwa raw siya kapag sinasabihan ng ganoon.

Natuwa siya nang sabihan siyang kahawig siya ni 2013 Miss World Megan Young at ni 2018 Miss Universe Catriona Gray. Nagpasalamat siya at magaganda raw at matatalino ang mga Filipina.

Willing si Yaya na gumawa ng movie or tele­serye sa bansa.

Real boyfriend niya, on and off-camera, si Nadech Kugimiya, ang leading man niyang si Dawin sa The Crown Princess. Susunod daw si Nadech dito dahil gusto nilang pumunta sa mga beautiful beaches in the Philippines, like in Cebu. May kaugnayan ang kanyang pamamasyal dito to promote Thailand’s tourism sa bansa.

Ang fans niya, sana raw ay ipalabas din ng GMA Network ang isang series na muling pinagtambalan nila ni Nadech.

Ken at Rita bagong makaka-jam sa Studio 7

Hanggang ngayon, may clamor pa rin na pagsamahin sina My Special Tatay loveteam BoBrey na sina Ken Chan at Rita Daniela. Since wala pa namang nakahandang bagong teleserye para sa kanila, tiyak na ikatutuwa ng fans nila na addition na sila sa cast ng musical program na Studio 7, na tamang-tama naman dahil pareho silang mahusay kumanta na bagay sa tema ng programa.

 Kaya mamayang gabi iwi-welcome na ang BoBrey sa Studio 7 na may bago nang timeslot. From Sunday, inilipat na ang show every Saturday, sa bago ring timeslot, pero sa mas mahabang oras na, dahil mapapanood sila ng 10 to 11:15 pm, pagkatapos ng Magpakailanman. Ito ay pagbibigay ng oras sa sisimulang original reality-based artista search, ang Starstruck 7 na mapapanood naman after ng Daddy’s Gurl nina Bossing Vic Sotto, Maine Mendoza at ng special guests nilang sina Ruru Madrid at Dante Gulapa.

URASSAYA SPERBUND
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with