Daniel ididirek ang kapatid!
VEROFIED - Veronica Samio (Pang-masa) - June 15, 2019 - 12:00am

Wala talagang inaaksayang oras si Daniel Padilla habang naghihintay na mabig­yan ng pelikula o TV show. Matapos niyang tanggapin ang offer ng Cinema One para kantahin ang kanilang theme song na magagamit sa pagdiriwang ng kanilang ika-25th anniversary, tatangkain naman niyang subukan ang kanyang kakayahang magtrabaho sa likod ng kamera, sa pagiging isang direktor.

Pero hindi muna siya magpapakasiguro sa kakayahan niyang magdirek ng isang pelikula o kaya ay palabas sa TV. Magsisimula muna siya sa isang music video para sa kapatid niyang si JC Padilla para sa Star Music. Kapag maganda ang naging produkto niya ay baka sundan pa niya ito at sa kalaunan ay gumradweyt sa mas malaki at mas mahaba pang proyekto.

Mas marami pang inilalabas na talento ang Teen King bukod sa pag-arte.

Ano pa kaya ang kasunod nito?

Nanette tuloy ang pagkakawanggawa

Nakaka-proud naman ang isa sa matagumpay na naging Darna na si Nanette Medved. Matapos nitong iwan ang kanyang pag-aartista para mag-asikaso ng kanyang sariling pamilya at ng mga negosyo, muling nagparamdam ang pilantropo ring aktres na nagkapalad na makatagpo ng isang asawa na may kakayahang suportahan ang mga pangangailangan nila at ng kanilang mga anak kaya nakakayang hindi umarte ng aktres.

Siya rin ang chairman at president ng Hope, isang social enterprise na nagbebenta ng bottled water na ang kita ay ipinantatayo niya ng classroom sa iba’t bang panig ng bansa.

Hindi naman nawawala ang pansin sa aktres ng mga tagasubaybay ng pelikula kahit out of showbiz na siya. Palagi nila siyang nararamdaman dahil sa mga mabubuting gawain niya na ang pinaka-huli ay ito ngang pagdo-donate ng walong classroom sa Marawi.

Bela at Jericho bibida sa sci-fi at suspense drama

Tulad din ng Spring Films ni Piolo Pascual at mga kasama, abala din ang Ten17p Films ni direk Paul Soriano sa paggawa ng mga pelikula ngayon. Isang sci-fi ang gagawin sa kanya ni Jericho Rosales na pinamagatang Loaken.

Mananita naman ang naka-assign kay Bela Padilla na isang suspense drama. Parehong may mga matagumpay na serye sina Jericho at Bela, ang una ay ang nagtapos na Halik at si Bela sa Mea Culpa.

Mukha namang nagsisimula nang magparamdam ang asawa ni Toni Gonzaga na magiging isa itong kikilalaning major movie maker in the very near future.

Senior stars nakatagpo ng bagong gloria

Habang maraming kabataang artista ang naghihiwalay kung hindi man sa tunay na buhay, ay pinaghihiwalay naman ng kanilang mga movie production. Heto ang ilan nating mga may edad nang aktres na nakatagpo ng kanilang ikalawang glorya sa piling ng mga lalaking pinakasalan sila.

Una na ay si Isabel Lopez na nakatagpo ng pag-ibig sa isang Jewish businessman na binigyan siya ng isang romantikong wedding at si Ana Capri na isang negosyanteng Australian ang napangasawa matapos ang mahigit na isang taong boyfriend/girlfriend relationship.

Give up muna si Ana sa kanyang pag-aartista para makapagsimula ng kanyang pamilya sa Australia.

Si Vina Morales kaya, pag-ibig din kaya ang natagpuan sa kanyang kasa-kasama ngayon sa kanyang US vacation?

DANIEL PADILLA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with