Dingdong ka-edad ng teenager ang umpisa sa Starstruck!
SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza (Pang-masa) - June 15, 2019 - 12:00am

Thankful si Dingdong Dantes na sa ika-pitong season ng reality-based artista search na Starstruck ay siya pa rin ang kinukuhang host nito.

Si Dong ang unang host ng Starstruck in 2003 kasama si Nancy Castiglione.

Sa mga nagdaang seasons ng Starstruck, naging co-hosts niya sina Jolina Magdangal, Carla Abellana, Megan Young at ngayon ay si Jennylyn Mercado.

Naging part din ng hosting team ng Starstruck sina Dennis Trillo at Raymond Gutierrez.

“Na-realize ko nga na 15 years ago na pala yung unang Starstruck. Kung may anak na ako that time, may teenager na pala ako!” tawa pa niya.

“I am grateful to Starstruck kasi dito rin nahasa ang pagiging TV host ko. Marami akong natutunan sa mga nakasama ko before and masaya ako to be hosting this season with Jennylyn, the very first female ultimate survivor ng Starstruck.”

Naaalala pa ni Dong noong contestant pa lang si Jennylyn sa Starstruck. Walang duda raw na tama ang pagpili sa kanya bilang winner dahil magpahanggang ngayon ay si Jen pa rin ang pinakasikat na Starstruck winner.

Pahirap daw nang pahirap ang mga challenges sa Starstruck kaya payo ni Dong sa 22 hopefuls ay laging maging handa dahil hindi nila alam ang mga susunod na ipapagawa sa kanila.

Kyline 8-years old nang makatikim ng rejection

Hindi malimutan ni Kyline Alcantara ang pagsali niya noon sa Star Circle Quest: The Search For The Next Kiddie Superstar sa ABS-CBN 2 noong 2010.

Unforgettable ito kay Kyline dahil siya ang unang na-eliminate sa naturang contest.

“I was 8 -years old that time at parang ang laking sampal sa akin ang matanggal agad sa show.

“That was my first taste of rejection kaya hindi ko iyon makakalimutan ever.

“Pero sabi nga nila God has different plans for us. And I guess, hindi ko kapalaran ang manalo o magtagal dun sa contest,” sey ni Kyline.

Pagkatapos na gumawa ng ilang shows sa Dos si Kyline, lumipat ito sa GMA-7 kung saan isa na siya sa hinahangaan na teen stars ngayon dahil sa paglabas niya sa Kambal, Karibal at Inagaw Na Bituin.

Ngayon ay online host pa siya para sa Inside Starstruck on YouTube para sa season 7 ng original reality-based artista search ng GMA-7.

DINGDONG DANTES
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with