Eddie paralyzed na kahit magising!
ISYU AT BANAT - Ed de Leon (Pang-masa) - June 15, 2019 - 12:00am

Nakakalungkot na marinig, pero finally isang pinagkatiwalaang spokesperson ng pamilya ng actor na si Eddie Garcia ang nagbigay na ng isang malungkot na detalye. Kung makaligtas man si Eddie Garcia sa kanyang naging aksidente, ang magiging epekto noon ay paralyzed na siya mula leeg pababa.

Inamin ni Dr. Tony Rebosa na hindi lamang basta cervical fracture ang nangyari, kung hindi bali ang dalawang buto niya sa gawing leeg na tinawag nilang C1 at C2 at apektado na ang kanyang spinal column sa una pa lamang. Iyon ang dahilan kung bakit affected ang kanyang buong nervous system at siyang dahilan din kung bakit comatose siya hanggang sa ngayon.

Naalala namin ang isang pangyayari noong araw, may isang kaibigan kaming doctor na dinalaw sa National Orthopedic Hospital, at noon ay nakita namin ang sitwas­yon sa kanilang ICU. May isang lalaki roon na ang sabi ay naglalaro lang daw ng basketball nang bumag­sak, naapektuhan ang kanyang spinal column, naka-survive naman pero hindi na siya nakakakilos. Mata na lang ang gumagalaw sa kanya at ang pagkain, ipinapasok sa kanyang katawan sa pamamagitan ng tube.

Noong marinig namin ang sinabing iyon ni Dr. Rebosa, naalala namin ang nakita namin noon sa Ortho ang nagbalik sa aming isip. Ang totoo hindi kami nakatulog halos magdamag. Ni hindi namin akalain na ang isang bagay na kagaya noon ay mangyayari sa isang taong kagaya ni Direk Eddie.

Malakas ang katawan niyan eh, sa kabila ng kanyang edad. Iisipin mo bang isang pagkakadapa lang ganoon na agad?

Pero believe kami sa pananampalataya ng kanyang pamilya. Sinasabi nilang umaasa sila sa isang milagro. Iyong lumalabas na mga picture ni Direk Eddie, walang nakikita kung hindi ang kanyang kamay na may hawak na rosary.

Tama na iyon. Hindi siya matutuwang makita siya ng publiko sa kung ano man ang kalagayan niya sa ngayon. Naniniwala rin naman kami sa milagro.

Kami mismo, milagro lang na nabubuhay pa. Palagay namin, mas magiging maganda ang kalagayan ni direk Eddie kaysa sa palagay na iyon ni Dr. Rebosa kung magpapatuloy lamang tayong lahat sa pananalangin.

Vickie Rushton itutuloy na ang pagso-showbiz

Uy, mukhang mag-aartista na si Vickie Rushton matapos na ma­bigong manalo ng anumang title sa nakaraang Binibining Pilipinas. Kung bakit naman kasi sa kanya pa natapat ang tanong noong physical at mental health.

Kung mag-aartista na nga si Vickie, puwede naman dahil maganda siya. Hindi rin natin alam kung marunong ba siyang umarte pero napag-aaralan naman iyon. Pero mas ok sana kung nanalo siya ng kahit na anong title, alam naman ninyo ang mga Pinoy mahilig sa ganyan.

Sana may mangyari naman sa kanyang showbiz career kung matutuloy nga.

Male actor na naka-affair ni direk ng 10 taon, nakikipagbalikan!

May tsismis si direk. Tumawag daw sa kanya sa phone at gustong makipagbalikan ng isang male star na naging alaga rin niya sa loob ng mahabang panahon. Pero this time, parang sa kanyang kuwento ay hindi na excited si direk. Kasi daw, “isipin mo naman 42 na siya ngayon. Hindi na siya bagets gaya noon. Hindi na nakaka-excite iyon,”sabi ni direk.

Pero knowing direk, baka basta nagkita sila ng dating male star ganoon na naman ang babagsakan niya. Ang dinig namin tumagal din ang kanilang affair nang mahigit na sampung taon. Basta ba niya makakalimutan ang love affair niyang iyon.

Si direk pa? Eh kilala iyan sa ganyan.

EDDIE GARCIA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with