Jennifer Lopez mabait kahit kanino
YUN NA! - Jun Lalin (Pang-masa) - June 15, 2019 - 12:00am

Kahapon ay nagpasama sa akin ang CEB (Cinema Evaluation Board) Chairwoman Christine Dayrit.

Habang bumibiyahe kami, nakatsikahan ko ang driver niya na si Ramon Leyva na dating barista pala sa Starbucks sa Dubai, United Arab Emirates.

Naikuwento ni Mang Ramon na minsan ay naging costumer niya ang international singer na si Jennifer Lopez.

In fairness, mabait daw si J-Lo at siya pa ang gumawa ng iced mocha na in-order nito.

Ang bongga!

Debut laos na anak ni Ruffa nakikiuso sa Sweet 16 party

Aalis ang panganay ni Ruffa Gutierrez na si Lorin papuntang Los Angeles, California.

Sasamahan si Lorin ng uncle niyang si Raymond Gutierrez.

Biniro ko si Lorin na ipagsa-shopping siya ng kanyang Uncle Raymond at na-excite ang panganay ni Ruffa.

Gusto sana ni Ruffa na samahan si Lorin, pero magsisimula na siya ng taping para sa Love Thy Woman at hindi puwedeng magpaalam, kaya si Raymond na ang pinakiusapan niyang samahan ang kanyang panganay.

Pagbalik ni Lorin, ang kanyang Sweet 16 birthday celebration na ang aasikasuhin ng mag-ina sa tulong ni Raymond.

Sa August 3 kasi ay 16 na si Lorin, pero sa August 25 daw siya magpa-party.

Uso na sa mga kabataan ang Sweet 16 birthday cele­bration. Ang iba, mas gusto ang ganoon kesa mag-debut pagdating ng 18.

Aktres na sikat palaging pinagdududahang buntis!

Nakakapagtaka kung bakit palaging may nagdududang buntis na ang isang sikat na aktres.

Sabi talaga ng isang malapit sa aktres na ‘yon, malabong magbuntis na ito dahil sa ilang endorsement deal na naka-stipulate na hindi pa siya dapat magbuntis.

Female celebrity na kilalang wais, ‘di nakalusot sa sinakyang eroplano

May kakuriputan naman ang female cele­brity na ito na kilala sa pag-e-endorse.

Nang minsang pabalik na siya sa bansa ay nag-drama siya sa check-in counter ng airline company na sinakyan niya.

May extra luggage raw kasi na gustong ilusot si female celebrity, pero pinagbabayad siya, kaya ang drama niya, wala na siyang cash.

Sinabihan si female celebrity ng ground staff na credit card na lang ang ipambayad dahil hindi talaga puwedeng i-free ang extra luggage niya.

Walang nagawa si female celebrity kundi magbayad na lang.

Kilala sa showbiz si female celebrity dahil may mga kamag-anak din siyang artista.

‘Yun na!

J-LO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with