^
Anyare sa career? Jessy kay luis na lang busy!

Anyare sa career? Jessy kay luis na lang busy!

YSTAR - Baby E (Pang-masa) - June 15, 2019 - 12:00am

How much nga kaya ang net worth ni Luis Manzano?

Minus pa sa mamanahin niya sa kanyang mga magulang na sina Edu Manzano at newly re-elected Lipa City Congresswoman Vilma Santos-Recto.

Right now, medyo malaki na ang monthly earnings niya both as a TV host and actor.

Everyday napapanood si Luis sa Minute To Win It, Last Man Standing. Saturdays naman ay napapanood siya sa sitcom na Home Sweetie Home: Extra Sweet with siblings Toni and Alex Gonzaga, plus teenage stars Miles Ocampo, Clarence Delgado, Vhong Nava­r­ro, Bayani Agbayani and Rio Locsin.

His business ventures, we heard, includes a number of taxis, mga more or less 70 units daw, an eatery and a perfumery.

Well, helping Luis daw run his business ventures are former classmates from the Saint Benilde College of the De La Salle University, who are all as business minded as he is.

By the way, of the perfume Luis’ company conduct, ito kaya ang gamit ng girlfriend ni Luis na si Jessy Mendiola?

Of Jessy, what’s keeping her busy these days.

The last time we saw her was when she watched Luis game program, Minute To Win It…

She was sporting a new hairdo. Ang kulay ay ‘di mo tiyak kung silvery white or whatever.

Well, no need to tell Jessy that simplicity is beauty.

Chynna at Kean makaka-lalaki na

Kinumpirma na ni Chynna Ortaleza-Cipriano na boy ang kanyang isisilang anytime soon, which makes her and husband, singer Kean Cipriano, super excited as their eldest, Stellar is turning three years old na.

Well, congratulations to the both of them.

Ana Capri excited magkaanak!

Malamang na hindi na muna natin mapapanood si Ana Capri either on the big or small screen.

It’s her decision not to be active muna sa showbiz, since gusto niyang maging full-time housewife to her Australian businessman-husband.

Kakakasal lang ni Ana last May sa ngayo’y asawa na niya. Three years din palang nagtagal ang kanilang relasyon.

Sa Australia raw sila maninirahang mag-asawa.

At 40, sabik magkaanak si Ana. At it doesn’t matter kung lalaki o babae ang magiging panganay nilang mag-asawa.

Pops, Martin at mga anak, tiyak na sa pelikula

Sa premiere on Monday ng first movie ni Pops Fernandez as a producer, titled Feelennial (Feeling Millennial), co-starring together for the first time sina AiAi de las Alas at Bayani Agbayani, hindi the usual red carpet ang bubulaga sa mga manonood.

Instead, pink ito. Kulay ng millennials, that is.

Isa sa tiyak daw na magiging special guest sa event ay si Martin Nievera, who appears in a special role sa movie.

Tiyak na isasama niya ang anak na si Santino. Siyempre pa, darating din ang two sons nina Pops, sina Robin at Ram.

We suggest na ‘bitbitin’ na rin ni Robin ang girlfriend na si Zia Quizon.

Feelennial, of course, is a production of DSL Production, which is the name of Pops’ film firm. DSL is the initials ng pangalan ng inang si Dulce Lukban, na dating nag-aartista rin at naging producer ng mga itinanghal na successful concerts ni Pops.

Co-producer ni Pops ang Cignal Entertainment.

For Pops’s next production, also for DSL and Cignal Entertainment, tiyak na ng Concert Queen na isang grand musical ito, considering nga naman na ang balak niya na tampok dito ay hindi lang siya at si Martin Nievera, kundi pati ang mga anak nilang sina Robin at Ram.

While naging tampok na sila sa ilang Regal Films movie ni Martin na pawang kumita sa takilya, first try both nina Robin at Ram itong gagawin nilang movie na magkakasamang apat, na wala pang tiyak na titulo.

We suggested kay Pops na isama na rin nila sa cast si Zia, Zia sings and dances, too.

Well, just like her Mom, ZsaZsa Padilla, and her late Dad, the King of Comedy, Dolphy.

EDU MANZANO JESSY MENDIOLA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with