Aktres na ipapareha sana sa isang big project ng actor, tameme sa pagbubuntis!
ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles (Pang-masa) - June 14, 2019 - 12:00am

Hindi masagot ng isang aktor kung ang nababanggit na aktres nga ang makakapareha niya sa isang big project ng kanyang network. Nang may humingi ng kumpirmasyon sa aktor kung ang aktres na nga ang makakapareha, “hindi ko pa alam” ang sagot ng aktor.

May rasong hindi muna magsalita ang aktor sa magiging leading lady niya dahil may tsikang hindi ang unang aktres ang sinasabing original choice na gumanap na bida sa next big project ng aktor.

May tsika kasing isang aktres na magaling sa fight scene at nag-training ng mixed martial arts ang na-consider sa role na leading lady ng aktor. Hindi lang pumuwede ang aktres dahil buntis daw ito ngayon sa second baby nila ng asawang aktor.

Sinilip namin ang Instagram (IG) account ng aktres at para ngang lumaki ang puson nito sa latest pictures niya. Nang tanungin ng kanyang followers if she’s pregnant, nakabibinging katahimikan ang sagot ng aktres.

In other words, dinedma nito ang mga tanong at makukumpirma lang ang kalagayan niya ‘pag lumaki na ang kanyang tiyan.

Arjo madalas bisitahin si Maine sa taping

May nakita kaming picture nina Maine Mendoza at Arjo Atayde sa set ng Daddy’s Gurl na kung saan, binisita ni Arjo si Maine. Kasama sa litrato ang co-stars ni Maine sa sitcom na sina Oyo Sotto, Kevin Santos at ‘yung komedyana na kasama sa cast.

May isa pa sa litrato na hindi namin alam ang pangalan at sa isang litrato, kasama ng grupo si Kristine Hermosa na ob­viously, binisita ang asawang si Oyo pati na rin ang biyenan niyang si Vic Sotto.

May mga nag-comment na hindi ‘yun ang first time na binisita ni Arjo si Maine sa taping at nakukunan na rin siguro ng litrato, pero nitong huli lang may nakapag-upload ng kanilang litrato.

Nakaakbay si Arjo kay Maine sa litrato at wala kaming makitang masama o malaswa na pagtatabi nila sa isang litrato. Nakangiti rin ang dalawa sa litrato, hindi sasabihing pinilit lang si Maine na tumabi kay Arjo para sa picture taking.

AiAi at Bayani umaasang kikita ang FeelEnnial

May premiere night ang pelikulang Feelennial sa Monday, June 17, sa SM Megamall at sa June 19, ang regular showing. Bida sa comedy movie sina AiAi delas Alas at Bayani Agbayani sa direction ni Rechie del Carmen.

Masaya ang mga producer ng movie na sina Pops Fernandez ng DSL Productions at Cignal Entertainment sa graded B at PG rating na ibinigay ng MTRCB sa movie.

Studio 7 may bago sa timeslot

Simula sa June 15, every Saturday na mapapanood ang Studio 7 to give way sa Starstruck na magpapa-pilot sa Sabado. Kasama na rin sa mainstay ng musical show ng GMA-7, ang love team nina Ken Chan at Rita Daniela.

Parehong mahusay kumanta sina Rita at Ken, lalo na si Rita, kaya maganda silang dagdag sa mainstay ng Studio 7. Ang maganda sa pagkakalipat ng oras at araw ng show, mas mahabang oras na siyang mapapanood, mula 10pm, to 11:15 pm, na kaya siguradong mas maraming kantahan at sayawan na ibibigay ang mga taga-Studio 7.

ARJO ATAYDE MAINE MENDOZA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with