Rhian Ramos
Rhian balik-bayan na uli
TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis (Pang-masa) - June 13, 2019 - 12:00am

Balik-bayan na pala si Rhian Ramos.

At tonight ay may launching ang latest music video para sa kanyang second song na Body Crashers.

Nauna na niyang ini-released ang music video para sa kantang Napagod.

Bukod sa music, back to normal ang career ng sexy actress.

Gagawa na uli siya ng pelikula and teleserye sa GMA 7.

Matagal din nag-stay sa New York si Rhian kung saan balitang nag-aral siya sa film school.

Megan aminadong mahina ang loob

Kinarir ng upcoming show na Hanggang Sa Dulo Ng Buhay Ko ang kanilang pictorial para sa nalalapit na premiere ng Afternoon Prime series. Dahil katatakutan ang tema nito, ramdam ang misteryo mula sa location, ilaw at special effects sa pictorial ng cast members na sina Rayver Cruz, Megan Young, Kim Domingo at Kris Bernal.

Present din ang paranormal experts tuwing taping dahil hindi raw biro ang tatakbuhin ng kwento. “Mahina talaga ang loob ko pag nanonood ako ng nakakatakot. Alam kong iba kapag ikaw ang shinu-shoot kaysa kapag ikaw ang nanonood so kailangan ko ng lakas ng loob,” kwento ni Megan. “Siyempre ang importante yung faith mo kay God at dapat mag-pray,” dagdag pa ni Kim. 

K Pop star nag-apologize sa isyung paggamit ng droga

Tuloy ang drug scandal sa entertainment scene sa Korea.

Kahapon ay nanghingi ng paumanhin ang K pop star na si Kim Han-bin ng grupong iKon matapos pagbintangang guma­gamit ng illegal drugs.’

At agad itong nanghi­ngi ng apo­logy in Korean pero may lumabas na translation sa ilang entertainment website sa Korea.

“I would like to sincerely apologize for stirring up trouble due to my tremendously inappropriate actions.

“It is true that I wanted to rely on something that I shouldn’t have had any interest in due to going through a hard and painful time. However, I was too scared and fearful to do it.

“I intend to humbly self-reflect on my mistake and leave the team,” sabi niya.

Nakapag-perform na sa bansa ang iKon.

RHIAN RAMOS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with