Barbie Forteza
Serye nina Barbie at Mika tuloy na ang pagbabu
YUN NA! - Jun Lalin (Pang-masa) - June 13, 2019 - 12:00am

Confirmed na pala, simula sa Monday ay two weeks na lang ang itatagal sa ere ng Kara Mia nina Barbie Forteza at Mika dela Cruz.

Akala ng iba ay magkakaroon ng extension ang Kara Mia dahil may nangyaring insidente nga sa veteran actor na si Eddie Garcia sa set ng new series na sinasabing papalit dito.

Anyway, marami pa raw big scenes na mangyayari sa Kara Mia kahit wala itong extension lalo na at haharapin pa ng cast ang galit ni Mike Tan na gumaganap na engkanto.

Coco at Yassi walang bakas ng kasweetan ‘pag walang camera

Hindi sabay na dumating sina Coco Martin at Yassi Pressman sa thanksgiving dinner ng Ang Probinsyano party-list nung isang gabi.

Magkatabi man sila sa table, hindi naman masasabing sweet sila.

So, tsika lang ba talaga ang pagli-link sa FPJ’s Ang Probinsyano stars?

Posible!

Anyway, parehong pinagkaguluhan sina Coco at Yassi sa thanksgiving ng party-list ni Congressman-elect Ronnie Ong.

Bahay nina Julius at Christine, puring-puri

Nasa event din na ‘yon si Christine Bersola-Babao.

Ibinalita niyang magkakaroon sila ng financial show ni Chinkee Tan sa TV5.

Kinumusta ko rin kay Christine ang bahay nila ni Julius Babao na sobrang ganda.

Si Julius daw kasi ay mahilig sa arts, kaya ganoon ang bahay nila.

Sabi ni Christine, dapat dumalaw kami sa bahay nila.

In fairness, puring-puri ng mga kaibigan nila na nakabisita na sa bahay nina Christine at Julius.

BARBIE FORTEZA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with