Eddie Garcia
Eddie nakakalungkot ang latest bulletin!
STARTALK - Lolit Solis (Pang-masa) - June 13, 2019 - 12:00am

Ikinalungkot ng lahat, hindi lamang ng showbiz industry ang latest medical bulletin ng Makati Medical Center tungkol sa kalagayan ni Eddie Garcia.

Sad ang sambayanang Pilipino sa balita na nananatili sa critical condition ang aktor na isa nang icon sa Philippine Cinema.

Ang disturbing medical bulletin na inilabas ng doktor ni Eddie ang dahilan kaya lalong lumakas ang panawagan na i­pagdasal siya at may milagro na mangyari.

In deep comatose si Eddie pero malakas na malakas ang kanyang puso, isang sign na patuloy ang kanyang paglaban.

Apo ni LT na si Tori kita na ang potential sa pagkanta

Napanood ko ang video ng pagkanta ni Tori Fernandez at isa lang ang masasabi ko, daig na daig niya sa kantahan ang kanyang grandma na si Lorna Tolentino.

Napakaganda ng singing voice ni Tori kaya may karapatan ito na mangarap na maging singer kapag big girl na siya.

Kapag tinatanong si Tori kung gusto niya na maging aktres, “No” ang kanyang sagot dahil mas interesado siya sa pagkanta.

Hindi naman singer si Rudy Fernandez kaya sure ako na hindi nagmana sa kanya si Tori.

Puwedeng si Lorna pa ang pinagmanahan ni Tori dahil nag-attempt ang kanyang lola na maging singer noong teenager pa ito.

In fairness, naging hit song noon ang single ni Lorna, ang Who Broke Your Heart and Made You Write That Song na puwedeng i-revive ni Tori kapag natupad ang dream nito na maging singer.

Seven-years-old pa lang si Tori pero kitang-kita na may bright future show siya sa showbiz dahil sa singing talent niya. Ewan ko lang kung papayagan siya ng kanyang mga magulang na pumasok sa showbiz sa murang edad.

Istorya ng pelikula mas mahalaga na

Siguro nga Salve, individual taste ang pagkagusto mo sa isang movie, TV show, book or anything. Lahat kayo, raving about Sky Castle pero mas na­ging engrossing para sa akin iyong Are You Human? ha.

At pagkatapos mo maging fanatic sa artista, you learned to watch a movie or teleserye na dahil sa istorya at hindi na dahil sa kung sinong bida. In fact, type ko iyong Gu Family Book kahit hindi ako fan ni Lee Seung-Gi. At kahit hindi ako masyadong na-impress sa bida ng Are You Human? sa press meet sa GMA, hindi ako huminto sa panonood nito sa iPad ko dahil type na type ko ang istorya nito at in fairness Salve, Rose at Vinia, ang galing niyang magdala ng damit, ang ganda ng tindig, at very commanding ang tayo ha. Men na men.

Saka in fairness, maganda ang facial expression niya kahit robot ang role niya.

Sana nga kung hindi lang hosting na ang gusto ni Sandara Park, bagay sila sa height at parang sa isip ko may chemistry ang kanilang physical built. Hay naku Salve, may bago na naman akong type dahil hindi siya poging-pogi at hindi conscious sa anggulo, parang ang love ko na si Lee Jun-Ho, ok lang kahit saan tamaan ng kamera, wah siya care kahit medyo hindi cute ang kuha, dahil very confident siya. Sabi nga ni Pia Wurtzbach na ating Miss Universe, confidently beautiful. 

EDDIE GARCIA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with