Sanya Lopez
Benjamin hinihintay ma-in love kay Sanya
ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles (Pang-masa) - June 13, 2019 - 12:00am

Napapansin namin, libre nang mag-like ng photos ng seksi at naggagandahang babae si Benjamin Alves mula nang maghiwalay sila ni Julie Anne San Jose. Hindi na rin niya kailangang magpaliwanag sa shippers ng love team nila ng ex-GF kung bakit nagla-like siya ng photos ng ibang babae.

Noong may relasyon pa sila ni Julie, laging binabantayan ng fans nila ang mga nila-like niyang pictures ng mga babae at kung ano ang kanyang comment at saka siya iba-bash.

In fact, pwede na sigurong manligaw uli at makipagrelasyon si Benjamin. Waiting na nga ang fans kung sino ang susunod niyang GF.

Pwedeng magka-inlaban sina Benjamin at Sanya Lopez na kanyang leading lady sa Afternoon Prime ng GMA 7 na Dahil sa Pag-ibig dahil pareho silang single. Pero nabanggit na ni Sanya na wala pa siyang oras ma-in love at magka-boyfriend. Pero malay din natin!

Vickie inamin na hindi perfect

Tuloy ang pagtatanggol ni Jason Abalos sa GF niyang si Vickie Rushton. May isang basher na nag-comment ng “sadyang ganda lang ang meron si Vickie...at ikaw?”

Sagot ni Jason, “gandang ugali, gandang puso, gandang mukha, hindi man naging maganda sa paningin nyo yung performance nya na nakita nyo sa isang gabi sa lahat ng pinagdaanan nila, at least wala kang masasabi na naging masama sya sa kapwa, ‘di ba?”

Nag-post na rin si Vickie at nagpasalamat siya sa lahat ng mga tumulong at sumuporta sa kanya. Pati ang supporters niya, mga naniwala sa kanya at detractors, hindi nakalimutang pasalamatan ni Vickie.

Sa nabasa namin, wala siyang sinisi sa kanyang pagkatalo at ang maganda sa post niya, inamin ang kanyang imperfections. Ang ganda ng sinabi nitong “I can use some of them (reactions) to perfect my imperfect self.”

Sayawan nina Nadine at Sam malapit na

Mukhang ang dance movie na Indak na pinagtatambalan nina Nadine Lustre at Sam Concepcion ang susunod na pelikula ng Viva Films na ipalalabas.

May tig-isang solo teaser sina Nadine at Sam na sa sumasayaw, pero sa sobrang iksi ng teaser, hindi batid ang story nito.  May tanong ang Viva Films na “Handa ka na bang umindak?” at siguradong mapapasayaw hindi lang ang fans ng dalawa, kundi lahat ng manonood ng Indak.

SANYA LOPEZ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with