Nadine
Nadine umaalagwa kahit solo
PARINIG NGA! - Lanie B. Mate (Pang-masa) - June 13, 2019 - 12:00am

Ang cool ng rendition ni Janine Teñoso sa kantang Hindi Tayo Puwede na original ng The Juans.

Ang bagong single na ito ni Janine ang isa sa official soundtracks ng movie nina Nadine Lustre at Sam Concepcion na Indak na handog ng Viva Films.

Maganda ang pagkakakanta ng bandang The Juans sa Hindi Tayo Puwede, pero mas pinaganda pa ito ni Janine na nagbigay ng kirot sa listeners. Marami na nga ang nag-akala na siya ang orihinal na kumanta nito.

Samantala, nakakaaliw naman ang ilang fans ni Janine, tinatanong siya kung kanino niya idine-dedicate ang nasabing kanta na tungkol sa mga taong hindi maka-move on at kailangan nang magising sa katotohanan.

Sa August pa ang labas ng movie nina Nadine at Sam pero umaagaw na ng pansin ang trailer kasabay ng themesong.

Tungkol naman kay Nadine, talagang pinatunayan niya na kaya niyang umalagwa kahit hindi si James Reid ang kanyang ka-partner sa screen.

Palaban naman siya sa pagtatanggol kay James sa isyung pagkukumpara kay Daniel Padilla ng isang former beauty queen sa social media na mas nicer daw ang huli kesa kay James. Naging honest lamang daw ang former beauty queen at humingi ng tawad sa kanyang nasabi.

NADINE LUSTRE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with