Alden Richards
Alden ayaw na uling maging chubby!
SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon (Pang-masa) - June 13, 2019 - 12:00am

Naiinip na ang fans ni Pambansang Bae Alden Richards dahil matagal na siyang walang teleserye sa GMA Network. Last November, 2018 pa natapos ang action-drama series niya, ang Victor Magtanggol.

Nagkaroon naman ng kasunod na project si Alden, pero movie naman, two months siyang na-miss mapanood sa TV dahil sa Hong Kong pa ang location shoot nila ni Kathryn Bernardo ng Hello, Love, Goodbye ng Star Cinema na dinirek ni Cathy Garcia-Molina, at matagal pa ang ipaghihintay nila dahil sa July 31 pa raw ang playdate nito.

Kaya ngayon, tiyak na natuwa na ang fans dahil sa interview kay Alden sa Chika Minute ng 24 Oras, may announcement nang may gagawing bagong teleserye ang actor. “In one or two weeks pwede na pong sabihin kung ano ang bago kong project na gagawin,” sabi ni Alden. “Ayaw ko pong sayangin ang nagawa kong pagpapapayat para sa Hello, Love, Goodbye kaya ipinangako ko na sa sarili ko na imi-maintain ko na itong body weight ko dahil mas magaang kumilos kaysa noong mataba ako. Naiiba naman ang role na gagampanan ko at inaayos na ng mga writers ang story at script ng series na gagawin ko.”

Busy pa rin ang schedule ni Alden. Kahapon ay nag-dub siya ng movie nila ni Kathryn at pagkatapos ay nag-guest siya sa The Boobay and Tekla Show na mapapanood sa Sunday, June 16, after ng Studio 7. Tinatapos din ni Alden ang photo shoots niya sa collaboration nila ng designer/stylist na si Avel Bacudio. 

Tulad din kaya ito ng pagpapatayo ni Alden ng school sa mga kababayan nating Mangyan na labis ang pasasalamat nila sa kanya? From someone close to Alden marami raw schools sa Laguna na tinutulungan nito, mga secret projects nito na ayaw nang ipaalam sa mga tao.

GMA marami ang nagtanggol

Kung may mga bumibira sa GMA Network tungkol sa nangyaring aksidente sa actor na si Manoy Eddie Garcia habang nagti-taping last Saturday ng bago niyang action series, marami ring nagtatanggol sa kanila. 

Wala raw may gustong may maaksidente sa mga taong involved sa isang shooting or taping. Kahit ang ilang actor na kasama ni Manoy sa taping, nagsabing huwag magsalita ng kung anu-ano ang mga taong wala naman doon. Ang mahalaga ay hindi tumitigil ang GMA sa paghahanap ng sagot kung bakit walang medic na naka-antabay sa taping ni Manoy Eddie? Tuloy din ang pag-monitor nila sa kalagayan ng actor para makapagbigay sila ng tamang medical bulletin mula sa personal doctor ni Eddie, sa fans and friends na naghihintay ng news.

Mas tama raw na kaysa manisi ang mga wala namang kinalaman at wala naman nang oras na nangyari ang aksidente, ay tulungan na lamang nilang magdasal ang GMA at ang pamilya ni Manoy Eddie para sa kanyang kaligtasan at muli nilang makasama.

ALDEN RICHARDS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with