Morissette high pa rin kina Alan at Will Smith
PARINIG NGA! - Lanie B. Mate (Pang-masa) - June 9, 2019 - 12:00am

May hangover pa rin ang mga Pinoy sa masuwerteng pagkakataon ni Morissette Amon na maka-duet si Alan Menken, ang composer ng kanta at theme song ng palabas pa rin na pelikulang Aladdin na present din ang bagong genie ng palabas na si Will Smith.

Napabilib din ni Morissette si Will Smith na napa-“wow” sa mahusay na pagkakanta nito.

In fairness ay pang world-class naman talaga ang talent ni Morissette na panlaban kahit sa international scene.

Wish ng fans ni Morissette na magbukas ito ng magandang pagkakataon at may masungkit siyang project na pang-international.

Kung kaya ang biro ng mga follower ni Morissette, mukhang nangangamoy na ang susunod na Pinay international singer.

Hindi naman masama ang mangarap. Hangang ngayon ay feeling high pa rin si Morissette na hindi makapaniwala sa pambihira niyang karanasan.

Ngayon nagdiwang ng birthday si Morissette na mayroong hinahandang project na secret pa raw ayon sa singer.

Samantalang parang nasa magic carpet pa rin si Morissette dahil ang version nila ni Darren Espanto ng A Whole New World ay number one pa rin sa YouTube.

MORISSETTE AMON WILL SMITH
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with