^

Pang Movies

Nadine itinodo ang pagliyad sa bagong pelikula

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa
Nadine itinodo ang pagliyad sa bagong pelikula

Todo na sa kembot, kadyot, liyad at hataw si Nadine Lustre sa trailer pa lang ng bagong movie niyang Indak. Paano na kaya sa kabuuan ng pelikula?

Ang Indak ang second movie ni Nadine minus her loveteam-boyfriend na si James Reid after ng hit film niyang Ulan. This time, si Sam Concepcion ang kapareha niya.

Eh wala pa namang balita kung kelan ang shooting ng pelikulang pagsamahan nila James dahil may injury pa sa spine ang BF.

So sa ibang kandungan muna si Nads, huh! Tutal naman, magkasama na sila araw-araw, huh!

Martin apektado sa finals ng NBA

Tinutukan ni Martin Nievera ng game 4 ng NBA championship game ng Golden State Warriors (GSW) at Toronto Raptors. Talo muli ang GSW kahit sa homecourt pa nila ginawa ang laban.

Apektado si Martin sa tweets niya lalo na’t lamang ng tatlong panalo ang Raptors sa GSW. Kapag nanalo pa sila sa Game 5 ay bigo na ang GSW na mukuha uli ang kampeyonato.

“Now we have to pray for a miracle that we win the last 3 games. We need this one. Ayyyyy, out of words” isa sa tweet ni Martin.

Naghatid naman siya ng pagbati sa Raptors. “I love my warriors but wow Toronto is kicking their butt,” bahagi ng isang tweet ni Martin.

Ang isa pang kilalang fan ng GSW ay si Ogie Alcasid. Wala pa siyang post sa social media account niya as of this writing.

vuukle comment

NADINE LUSTRE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with