_pang-masa
^
Bradley Cooper nilayasan  ng ka-live in dahil kay Lady Gaga?!

Bradley Cooper nilayasan ng ka-live in dahil kay Lady Gaga?!

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza (Pang-masa) - June 8, 2019 - 12:00am

Nangyari na nga ang kinakatakot ng mga kaibigan ng Hollywood actor na si Bradley Cooper at sa girlfriend nitong si Irina Shayk.

After months na nababalitang on-the-rocks ang relasyon nila, nagawa nang layasan ni Irina ang 4.5 million mansion nila ni Bradley sa Los Angeles kung saan nagsama sila ng apat na taon.

Kasamang umalis ni Irina sa mansion ay ang anak nila ni Bradley na si Lea De Seine (2 years old). 

Ayon sa report ng The Sun: “Things are cooling off between Bradley and Irina in a big way. They haven’t been good for a few months and Irina decided it would be best if she moved into her own place. It’s not looking like there’s much long left for the two of them together.”

Ayon sa ilang sources, baka raw may kinalaman ang co-star ni Bradley sa pelikulang A Star Is Born na si Lady Gaga sa naging problema nila ni Irina.

Simula nga raw nang gawin nila Bradley at Gaga ang movie, doon na nagsimula ang domestic problems ng dalawa.

Lalong na-ignite ang chismis kina Bradley at Gaga noong mag-duet sila ng Shallow noong Oscar Awards night. Ramdam ng marami na may something na nagaganap sa dalawang bida ng movie.

Pinabulaanan na ni Gaga noon ang chismis na ito with Bradley. Nataon pa na nakipaghiwalay si Gaga sa kanyang fiancé na si Christian Carino a week before the Oscars.

Klea pinayuhan nina Pia at Catriona

Overwhelmed ang Starstruck 6 Ultimate Female Survivor na si Klea Pineda nang personal niyang makausap ang dalawang Miss Universe winners na sina Pia Wurtzbach at Catriona Gray sa charity gala event na The Universe Give Back. 

Ikinatuwa pa ni Klea ang payo ng dalawang beauty queens sa kanya kung sakaling pag-isipan na nito ang sumali sa Bb. Pilipinas pageant.

“If you are thinking about joining Binibining Pilipinas just go for it, ‘cause your life will really change, I swear! Like my life really changed. And I can say this like, guys, manalo o matalo, magbabago talaga ‘yung buhay niyo,” payo ni Pia kay Klea.

Ang payo naman ni Catriona: “You know, just enjoy the journey and find why you’re doing it. There has to be a purpose behind it.”

Hindi makapaniwala si Klea na nakatanggap siya ng magagandang payo sa dalawang babae na naging inspirasyon ng mga katulad niyang nangangarap maging beauy queen.

Lauren nauntog na sa pagiging spoiled brat at diva!

Inamin ng Kapuso actress na si Lauren Young sa kanyang vlog ang pagkakaroon niya ng diva attitude. 

Sa kanyang vlog entry na “BAKIT AKO TUMABA? DEBT, SELF LOVE AND FAMILY ISSUES,” kinumpisal ni Lauren na naging problema siyang katrabaho ng production people at nag-feeling sikat siya. Masyado raw siyang reklamador noon at sinasadya niyang dumating ng late sa call time niya. 

Ngayon daw ay binago na niya ang attitude niyang iyon at nag-sorry ito sa mga taong nasaktan niya dahil sa kanyang pagiging spoiled brat sa trabaho.

“I was being a diva. I thought that I had the right to ask for certain things and treat people a certain way just because I was the actor on-set.

“So I was always making reklamo, I was always bitchy, and I was just so demanding, and judgmental towards my peers.

“That I realized I was the negative person on the set. And maybe I was the person that they didn’t want to work with. And so that was the first thing that I decided to change.

“I decided to change my professionalism.”

Kasama sa pagbago ni Lauren ay ang bitiwan ang maraming worldly possessions niya at ayusin ang relasyon niya sa kanyang pamilya.

BRADLEY COOPER
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with