_pang-masa
^
Kaso ni Gretchen umpisa pa lang!

Kaso ni Gretchen umpisa pa lang!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon (Pang-masa) - June 8, 2019 - 12:00am

Umulan na naman ng mga maling detalye. Hindi naman sinasabing talagang sexually harassed nga si Gretchen Fullido sa ABS-CBN. Napaka-sweeping naman iyong sinasabi ng iba na talagang talamak ang sexual harassment sa network dahil lamang sa iisang kasong iyan.

Lumabas lamang sa imbestigasyon ng piskalya sa kasong iniharap ni Gretchen Fullido na mayroon ngang mga ebidensiyang valid, at magkapagpapatunay na “nagkasabwatan” ang dating executive producer ng TV Patrol na si Cheryl Favila at isang segment producer noon na kinilalang si Maricar Asprec upang ma-harass si Gretchen Fullido. 

Ayon sa piskal, iyong palitan ng messages na nag-uutos kay Fullido na maging “malambing” kay Favila at ang pag-aalok sa kanya na maging “Thursday girl” noon ay katunayan ng sexual harassment. Kaya nga isinampa na sa korte ang kaso.

Natural magpapalabas ang korte ng warrant of arrest para kina Favila at Asprec para mailagay sa ilalim ng jurisdiction ng korte, at maaari naman silang maglagak ng kaukulang piyansa. Pagkatapos niyan at saka pa lamang magkakaroon ng pagdinig ang korte, at kailangang mapatunayan nang walang kadudaduda o “beyond reasonable doubt” na talaga ngang sexually harassed si Fullido.

Sabihin mang wala sa intensiyon nila ang sexual harassment, pero naisip iyon ni Gretchen Fullido dahil sa mga naging takbo ng mga pangyayari at hindi natin siya masisisi. Ang tanong, ilan pa nga kayang tao ang kagaya ni Gretchen na nakatanggap din ng panghihikayat at pangakong kasikatan kapalit ng sex? Iyon muna iyong dapat ungkatin, pero ang tanong sino ba ang malakas ang loob na magsasabing “oo naging kabit ako ng tomboy”, o kaya ay “oo pinagsamantalahan ako ng bading”, na sa panahong ito na umiiral pa naman ang pride month.

Sino nga ba ang aamin kung sumikat naman sila o nagkapera sila sa ganoong relasyon? Kasi sa pagdinig na ganyan kung magkakagipitan, maaaring sabihin ng suspect na binayaran ko iyan at ang ano ang kalalabasan nila kung sabihin ang ganoon?

Masalimuot ang kasong sexual harassment kaya nga kahit matagal na iyan, wala halos lumalabas. Ngayon test case iyan. Kung may magandang mang­yayari sa kaso ni Gretchen Fullido, tiyak marami na ang lalabas na kasunod.

Derek naunang nilayasan ng kinakasama!

Matapos ang anim na taong relasyon, naghiwalay na nga pala sina Derek Ramsay at ang kanyang dating girlfriend na si Joanne Villablanca. Limang taon ding tumagal sina Derek at Angelica Panga­niban. Naging syota rin niya si Cristine Reyes.

Maliwanag lang na siguro nga hindi pa handa si Derek na muling lumagay sa relasyon. Nauna riyan nagpakasal siya at nagkaroon ng anak kay Mary Christine Jolly. Matagal ang kanilang naging demandahan nang sabihin ng kanyang asawa na inabandona sila ng actor.

Palagay namin isa iyan sa mga dahilan kung bakit umiiwas pa si Derek sa isang mas seryosong relasyon.

Minsan may epekto sa isang tao iyang mga ganyang pangyayari. Nagkaroon sila ng trauma, kaya hindi sila mapalagay. Kung napansin din ninyo, halos lahat ng relasyon niya natapos nang may controversy. Kaya hindi rin ninyo masisisi si Derek kung umiwas na sa mga ganyang usapan.

Lalo na nga sa kasong ito, sinasabing si Joanne ang unang lumayas sa kanilang tahanan bago natapos ang nakaraang buwan. Kung ano man ang issue, hindi natin alam. Basta sa ganoon natapos ang kanilang relasyon.

GRETCHEN FULLIDO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with