^

Pang Movies

Alden nakipag-bonding kay Scarlet

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa
Alden nakipag-bonding kay Scarlet

Binisita ni Alden Richards si Scarlet Belo at may picture silang dalawa sa Instagram account niya kahapon habang naglalaro.

Caption ng Pambansang Bae, “Good vibes brought to you by this little lady right here.”

“Thank you for visiting us, my dear. See you soon,” komento naman ni Dra. Vicki Belo.

Sey naman ng ilang netizens, darating din ang araw na magkakaroon din siya ng cute na anak gaya ni Scarlet Snow.

“Soon, you will have your own good vibes. Your own child with your dream girl. Maintain mo yang ngiti na yan ha. Happy pill ko yan ih. Sana wag kang makalimot sa amin especially kay God,” komento ng isa.

Bukod sa pagiging malapit sa Diyos, magaan din ang loob ni Alden sa mga bata tulad ni Scarlet at si Baeby Baste ng Eat Bulaga.

Cameo cameo na lang Pops hindi na mapilit mag-artista!

Ayaw nang ipagpatuloy ni Pops Fernandez ang pag-aartista dahil naranasan na niya ang mga hirap na dinaranas kapag umaarte siya nu’ng kabataan niya.

Pero sa prinodyus niyang romantic-comedy movie na Feelennials ng DSL Productions, hindi siya nakatanggi na magkaroon ng cameo role.

“Maiksi lang naman ang role ko pero bumagay naman sa akin! Ha! Ha! Ha!” pahayag ni Pops sa mediacon ng movie na pinagbibidahan nina AiAi de las Alas at Bayani Agbayani.

Take note, bukod sa mga bida, napabalik niya sa pag-arte ang dating asawa na si Martin Nievera na isa rin sa guest stars at ang dalawang anak na sina Robin at Rams ay involved naman sa post production ng pelikulang showing sa June 19.

vuukle comment

ALDEN RICHARDS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with