^

Pang Movies

Serye nina Gabby at Jennylyn tatapusin na?!

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa
Serye nina Gabby at Jennylyn tatapusin na?!
Jennylyn Mercado

Walang lusot sa intriga ang Kapuso series na Love You Two. Palibhasa pinadadapa nito sa ratings ng katapat na programa kaya may kumakalat na tsismis na puputulin na sa ere ang Gabby Concepcion at Jennylyn Mercado starrer.

Ayon sa isang executive ng show, hindi agad matatapos ang programa kahit na nga in full run na ang kuwento ng rom-com. Hindi na lang ito masyadong pahahabain pa.

As of now, may extension na ang LYT ng mga 4 to 6 weeks pa.

Kailangan na rin kasing mag-prepare ni Jen para sa coming series niyang gagawin na unang nabalita na siya ang leading lady ni Dingdong Dantes sa Pinoy version ng hit Korean war drama na Descendants of the Sun pero wala pang kumpirmasyon ang network sa balita.

Career niLa Janno, Andrew at Dennis bubuhayin sa isang pelikula

Sinugalan ng Viva Films ang reunion movie nina Janno Gibbs, Dennis Padilla at Andrew E. Bida silang tatlo sa pelikulang Sanggano, Sangago at Sangwapo.

Silang tatlo ang ilan sa box office comedians ng Viva nu’ng kasagsagan ng comedy films solo man sila o may kabatuhang ibang komedyante.

Bukod sa comedy film, aabang-abang din ang bagong movie nina Cristine Reyes at Xian Lim na kinunan sa bansang Georgia, ang Untrue. Kahanga-hanga ang trailer ng movie sa simula ay love story pero sa bandang huli ay nahaluan ng violence.

Ang isa pang Viva movie na malapit na ring mapanood ay ang Indak Pinas na ang mga bida ay sina Nadine Lustre at Sam Concepcion.

vuukle comment

JENNYLYN MERCADO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with