Arjo, Maine
Si Arjo na ang priority Maine wala nang paki sa career?!
ISYU AT BANAT - Ed de Leon (Pang-masa) - June 4, 2019 - 12:00am

Noong isang araw, may lumabas na namang picture si Maine Mendoza na kasama sa Singapore ang kanyang boyfriend na si Arjo Atayde. Kahit na sabihin mong tanggap na naman ng kanilang fans ang inaamin na nilang relasyon, hindi naman maikakailang may nagngingitngit pa rin kung nakikita silang ganoon.

Ang sinasabi naman nila ngayon, mukhang wala na raw pakialam si Maine sa kanyang career. Hindi man lang iniisip na wala na siyang bagong assignment. Wala pa ring inaasikaso kung di ang boyfriend niyang si Arjo.

Eh iyon ang gusto niya eh. Personal na niya iyon, at ano nga ba ang pakialam ninyo sa mga ganoong bagay.

Siguro si Maine naman, hindi nangarap na showbusiness ang maging buhay niya.

Nagbibigay awards bihira na ang pinaniniwalaan

Para saan ba iyang mga awards? Ano ba ang pakinabang ng mga nakakatanggap ng awards? Nakakatulong ba talaga iyan sa industriya ng pelikula?

Isa lang ang maisasagot namin diyan, iyon ay kung pinaniniwalaan ng publiko ang pinamimigay na award.

Noong araw, kapag ang isang artista basta nanalo ng award, isang taong nakakabit sa pangalan ng artista ang award na kanyang napanalunan kasi nga naniniwala siyang nakakatulong iyon para kumita ang kanilang mga pelikula. Basta nanalo ng award, tumataas ang talent fee ng mga artista. Iyan ngang Metro Manila Film Festival, kaya nagbibigay ng award sa second day, kasi ang paniwala nila noon maski ang mga pelikulang hindi kumita sa simula, basta nanalo ng award ay kikita.

Pero ganoon ba ang nangyayari sa ngayon?

Karamihan ng nananalo ng awards, pinag-uusapan lang hanggang kinabukasan, tapos limot na. Mayroon pa ngang nanalo ng award na ni hindi napag-usapan dahil hindi naman kilala ng mga tao iyong nanalo ng award. Dumating na rin kasi ang panahon na napakarami nang awards, at mabibilang mo lang sa “tatlong daliri” ang award giving body na mapaniniwalaan mo. Oo, tatlong daliri lang, ni hindi isang kamay.

Karaniwang kasunod ng awards ang usapan tungkol sa anomalya. Pinag-uusapan kung magkano ang inilagay para manalo. May magpapakita pa sa iyo ng mga text na kung saan pinag-uusapan ang deal. Kamakailan lang, may nagpadala pa sa amin ng screenshot ng isang chat room kung saan pinag-uusapan ang nasingil sa mga mananalo. Pero wala na kaming pakialam doon eh.

Ang punto lang namin, kung ganyan lang ang usapan tungkol sa awards, wala na ring magandang epekto iyan para sa mga nanalo. Kami nga diretsahan naming sinasabi, isang award lang ang pinaniniwalaan namin. Wala kasing lagayan at wala ring pulitika.

Depresyon ng aktres tsinitsismis ng personal assistant

May tsismis ang isang PA. Minsan daw, mada­ling araw ay nagigising ang isang aktres, at umiiyak na lang. Hindi raw kasi matanggap ng aktres ang sinasabi ng iba na laos na siya at wala nang mangyayari sa kanyang career. Hindi kasi siya sanay na ganoon ang naririnig niya. Natatakot sila para sa kanya. Kasi alam nila “depression” na ang umiiral at alam naman natin ang kadalasang nangyayari sa isang nagkakaroon ng depression.

Isa lang ang masasabi namin. Kung ganyan na ang sitwasyon, huwag ninyo siyang iiwang mag-isa. Hindi mo masasabi kung ano ang kasunod, huwag naman sana.

ARJO ATAYDE MAINE MENDOZA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with