^

Pang Movies

Sarah may sarili na ring make up line

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa
Sarah may sarili na ring make up line

Pinasok na rin ni Sarah Geronimo ang make up line. Eh sa isa niyang Instagram post, may mahiwaga siyang mensaheng inakala lang ng followers niya na ikakasal na sila ng boyfriend niyang si Matteo Guidicelli habang ‘yung iba ay nag-isip na launching ng bagong album.

Pero mali ang hinala ng followers niya dahil ang launching ng make up line, ang Pop Studio, ang tinutukoy niya.

Isa sa collections ayon sa social media reports ay ang tinatawag na two-of-a-kind product gaya ng blush with contour, day and night eyeshadow palette, brow pencil with mascara, foundation stick with liquid concealer, and matte lipstick with lip balm.

Inilabas sa IG account ang brand’s name at samples ng ilang produkto ng Pop Studio.

Kung abala si SG sa kanyang bagong career, ang BF naman niyang si Matteo ay isinapuso ang pagiging military reservist dahil nagpakalbo siyang talaga kaugnay ng ginagawang training bilang scout ranger.

Pero kahit kalbo, guwapo pa rin si Matt ayon kay Dra. Vicki Belo, huh!

Pagkamatay ni Gary Lising wala pang detalye

Namatay na ang komedyanteng si Gary Lising sa edad na 78.

Ang malungkot na balita ay ibinahagi sa Facebook ng kapatid niyang si Pompeii Lising. Si Gary ang pinakamatanda sa kanilang magkakapatid.

Wala pang ibang detalye kung saan ang wake at kelan ang libing ni Gary.

Nakikiramay kami sa naulila ni Gary...

vuukle comment

SARAH GERONIMO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with