^

Foreign film producers mas alam ang taste ng mga Pinoy

ISYU AT BANAT - Ed de Leon (Pang-masa) - June 1, 2019 - 12:00am

Noong una, may isang theater chain na nagsabing tinatanggihan nila ang mga pelikulang indie, dahil karamihan sa mga iyon ay Rated R, at para sa kanila ang kailangang ipalabas lamang ay mga pelikulang pampamilya. Ayaw nila ng sex ang tema. Tama naman sila, at ang kilos na iyon ay pinuri ng mga moralista na umaangal na puro kabaklaan na lang ang nakikita sa mga pelikula.

Pero nitong linggong ito, iba na ang nangyari. Sa isang malaking mall na may labindalawang sinehan, dalawa lamang sa tatlong pelikulang Pilipino na nagbukas ang may nakuhang sinehan. Iyong isa ay hindi namin nakita. Iyong isang pelikula, ang producer ay isa sa mga major companies, iyong Regal. Iyong isa naman ay sa ilalim ng ABS-CBN at Star Cinema. Dahil major producers, nakasingit pa sila, pero parehong flop ang kanilang pelikula.

Iyong isa, na ang producer ay isang independent, iyong APT, ay isang horror film na flop din naman. Wala talagang nakuha kahit na isang screening man lang sa labindalawa nilang sinehan.

Mas masakit sa isang mall na malapit sa amin. Mayroon silang pitong sinehan. Limang regular at dalawang VIP Cinema. Ang nakasingit ay isang pelikulang Pilipino lamang, at binigyan lang ng dalawang screenings sa isang araw. Kahati pa niya iyong Pikachu na mas maraming screenings.

Lahat ng tatlong pelikulang Pilipino ay flop. Pero hindi flop ang sinehan. Humahakot ng pera ang isang monster movie. Humahakot pa rin ng audience iyong Aladdin. May pumapasok pa rin para manood ng Avengers. Ano ang ibig sabihin niyan? Ibig bang sabihin ang mga Pilipino ay hindi na marunong gumawa ng pelikulang magugustuhan mismo ng mga audience nila? Ibig bang sabihin mas alam ng kano at mga Hapones kung anong pelikula ang gusto ng Pinoy?

Hindi na ba tayo marunong mag-produce ng pelikula?

Aiko at Vice Gov. Jay okay na uli

Sinundan sa abroad ng kanyang politician boyfriend si Aiko Melendez. Bago siya umalis para puntahan ang kanyang mga anak na nagbabakas­yon, may mga tsismis na split na sila ng kanyang boyfriend na tinulungan pa naman niya nang husto para maging vice governor. Ewan kung bakit ganoon katindi ang tsismis, pero si Aiko mismo nagpahiwatig na mukha ngang nagkalabuan sila.

Pero nang umalis siyang patungong abroad, sinundan siya ng ngayon nga ay vice governor nang si Jay Khonghun, at walang ibang ibig sabihin iyon kung ‘di nagkasundo silang muli.

Mabuti naman at nagkasundo rin sila.

Film produ na baon sa utang, gumagamit ng delaying tactics dahil walang pambayad!

Umabot na raw sa kalahating milyon ang utang ng isang film producer sa rental ng kanilang opisina. Pero mukhang ayaw magbayad ng film producer dahil may itinuturo raw na pagkukulang ng may ari ng building kaya ayaw niyang magbayad. Ang suspetsa naman ng marami, delaying tactics lamang ang kanyang mga alibi dahil ang totoo wala siyang pera para ipambayad sa kanilang naipon nang utang. Wala naman kasi siyang kumitang pelikula, at kagaya ng kapalaran ng iba, marami siyang pelikulang ni hindi man lang naipalabas sa mga sinehan.

Hindi naman sa pakikialam, pero sa ganyang sitwasyon, siguro nga pinakamabuti na tumigil na siya sa paggawa ng pelikula. Mababaon at mababaon lang siya sa pagkakautang kung hindi pa siya titigil sa kanyang mga proyektong wala namang kawawaan.

AIKO MELENDEZ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with