^

Pang Movies

Ogie sawi sa NBA

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa
Ogie sawi sa NBA

Malungkot tiyak si Ogie Alcasid at iba pang celebrities dahil natalo ang favourite NBA team niyang Golden State Warriors (GSW) sa Toronto Raptors sa unang game nila para sa championship.

Avid fan si Ogie ng GSW lalo na ng star player nilang si Step Curry. Sa isang out of the country niya, pinanood niya ang laro ng GSW sa Staple Center sa California.

Nakapasok pa nga siya at mga kasama sa GSW suite at doon nila pinanood ng laban dahil  hindi maganda ang upuan nila.

Of course first game pa lang naman ang naganap kaya hindi pa tapos ang labanan, huh! ‘Yun nga lang, back to work na siya kaya malabo siyang dumayo sa Amerika para panoorin ang fave NBA team niya.

Dawn nagpainit sa bikini photos

Diyosa ang tawag kay Dawn Zulueta ng netizens nang mag-post siya ng throwback photo na naka-bikini sa Instagram.

Taong 1991 ‘yon ayon sa post ni Dawn at nasa rock formation siya sa Biri Island sa Nothern Samar.

Eh kasi naman, may maganda nang mukha eh maganda pa ang kurbada ng kanyang katawan. Saka walang filter ang litrato niya, huh!

Siyempre those were the days nu’ng talagang pantasya ng halos lahat ng kalalakihan ang byuti ni Dawn. Kahit maayos pa rin ang pangangatawan, ipinaubaya na ito ng aktres sa mga baguhang artista na nagdidispley ng kanilang alindog sa social media!

Hindi nga tayo sure kung tunay ‘yung katawan nila o ginamitan ng tinatawag na photoshop o retokado, huh!

Ilan sa sumaludo sa kaseksihan ng bida sa GMA movie na Family History ay sina Maja Salvador, Charelene Gonzales, Iza Calzado at maging ang beauty queen na si Katarina Rodriguez at MJ Lastimosa.

vuukle comment

NBA

OGIE ALCASID

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with