^

Pang Movies

Alden may payo sa millennials na gustong magnegosyo

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa
Alden may payo sa millennials na gustong magnegosyo
Alden Richards

Nasaid halos ang naipong pera sa banko ni Alden Richards nang simulan niya ang una niyang food business sa Tagaytay Road, Silang, Cavite.

Naging sandalan ni Alden ang Diyos, tiwala sa sarili at sa mga trusted na taong pinamahala niya sa negosyo. Halos ma-zero raw ang pera niya sa banko ayon sa pahayag niya sa gmanetwork.com.

“Since hindi naman ganoon kalaki ang capital ko in terms of money, talagang binuhos ko lahat so medyo I almost went zero when I entered the food business,” saad pa ng Pambansang Bae.

Pumasok sa isipan ng Kapuso artist ang anxieties, paano kung walang trabahong dumating at kung anu-ano pa.

“But you just really have to be faithful to the Lord, to your business, to your skills, and the people that your trust,” dagdag pa niya.

Nagbunga naman ang mga sakripisyo ni Alden dahil may iba pang branches ang food business niya kaya payo niya sa millennials na gustong magnegosyo, gawin na nila ito ngayon at huwag hayaang matulog ang pera nila sa banko. Maging risktaker rin tulad niya.

“Sometimes, the bigger the risk, the bigger the reward and that’s what happened with me. I risked everything for this restaurant and here we are now,” sabi pa ni Alden.

Heart nagpatikim sa ginagawang international movie

Lumipad muli papuntang China si Heart Evangelista para ipagpatuloy ang shooting ng international movie.

Kahit palaisipan kung ano ang title nito at sino ang kasama niya, nagpasampol naman si Heart sa Instagram nang ilabas na katrabaho niya ang American actor, writer at director na si Armand Assante.

Ayon sa mga naunang pahayag ni Mrs. Escudero, action ang movie kaya naman bago ito sa nakaraan niyang projects na mostly ay drama.

Heart will be back in time sa  pagtatrabaho niya bilang member ng Starstruck council.

vuukle comment

ALDEN RICHARDS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with