_pang-masa
^
Vilma takot ma-burnout!

Vilma takot ma-burnout!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon (Pang-masa) - May 30, 2019 - 12:00am

Hindi pa rin pala nakakapagpahinga si Congresswoman Vilma Santos. Kakuwentuhan namin siya kahapon ng umaga at ang sinasabi nga niya, sa weekend, kausap niya ang mga lider ng mga barangay sa Lipa at iba pang political leaders nila mula sa iba pang bayan ng Batangas. Dalawang libong tao raw ang mga iyon. Kasi iyong mga tao mismo ang gumawa ng schedule para sa kanilang pagpapasalamat dahil nanalo ang kanilang team sa halos lahat ng elective position.

Para sa kanya naman daw paghahanda na iyon dahil gusto niyang makausap ang mga lider nila para malaman din kung ano ang mga prayoridad niyang ihaharap sa kamara sa pagsisimula ng susunod na kongreso.

“Pagkatapos noon, iyon naman ang pahinga namin, kasi maaaring magkasama-sama ang buong pamilya. Iyan iyong bakasyon na lagi naman naming ginagawa sa ganitong panahon, Kasi kami ni Ralph (Recto) sinasamantala lang namin iyong wala pang session para makapagbakasyon din naman.

“Pinag-uusapan nga namin noong isang araw ang report ng World Health Organization, iyon daw nararanasang burned out ka sa trabaho, sakit na pala iyon. Kaya kailangan maiwasan mo iyon. Kailangan talaga may bakasyon kahit na papaano. Actually iyon na ang nawawala sa amin.

“Ang pinag-uusapan pa namin, now is the only time na puwede naming gawin iyon dahil pareho nga kaming libre ni Ralph, at isa pa baka hindi ko na magawa iyan sa susunod na break dahil nasabi ko nga na gusto kong gumawa naman ng pelikula this year. Iyon ang gusto kong maisingit naman in between sessions.

“Babalik kami from abroad in time para sa SONA. Alam ko marami rin akong mami-miss pero talagang kailangan ko naman sundin ang set of priorities eh. Kaya lagi ko ngang sinasabi sa mga tao, babawi ako,” sabi ni Ate Vi.

Rayver ayaw pang itambal kay Janine

Makakatambal daw ni Rayver Cruz sa isang bagong serye ang dating Miss World na si Megan Young. Dapat din naman masundan na ang unang serye ni Rayver na sinundan din naman ng maraming manonood.

Pero may nagsasabi nga, ngayon leading man siya ni Megan Young. Doon sa isang show nila, lagi siyang isinasama sa production number ni Julie Anne San Jose. Kung mapapansin ninyo, iyan namang si Julie Anne talagang ipina-partner nila sa kung sino ang malakas nilang leading man lagi. Pero bakit nga raw ba parang walang balak na itambal si Rayver sa kanyang “girlfriend” na si Janine Gutierrez?

Baka naman iba talaga ang diskarte nila sa mga serye nila.

Aktor enjoy makipag-kapit kuwarto!

May kuwento, madalas daw na “mangapit-bahay” sa kanyang co-stars ang isang male star. Lahat ng kanyang co-stars ay lalaki  at ewan kung bakit kadalasan gusto niyang makitulog sa mga iyon, habang nasa location sila ganoong may sarili naman siyang kuwarto sa kanilang tinutuluyang hotel. Iba na tuloy ang duda ng kanilang mga kasama sa kanya.

Kasi napapansin din daw nila na minsan nagkakatinginan ang ibang male stars, titingin sa mahilig mangapitbahay, tapos magngingitian.

Ano kayang hiwaga ang nangyayari sa kanyang pangangapitbahay?

VILMA SANTOS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with