Paolo binakla ang pagka-proud sa anak
#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo (Pang-masa) - May 30, 2019 - 12:00am

Proud daddy si Paolo Ballesteros dahil tumanggap ng medal ang unica hija niyang si Keira Claire Ballesteros bilang isa sa third honor sa school.

“Congrats anak! We’re so proud of you! Tarush ng junakis ko lavet!!!! I love you anak,” caption ni Paolo habang sinasabitan ng medal sa stage ang anak.

Winner ang pagiging responsible father ni Paolo, huh!

Mikael at Megan parang laging may honeymoon

Daig pa nina Mikael Daez at Megan Young ang bagong kasal kung pagbabasehan ang sweet moments nila sa biyahe at vlogs nila.

Kaya naman hindi na nagulat si Megan nang makarating sa kanya ang naglabasang balita on line at ilang tabloids na secretly married na sila ni Mikael.

“Eh hindi naman totoo na secretly married na kami ni Mik (tawag niya sa BF) kaya hindi ako nagulat. Pati nga nanay ko tinatanong ako tungkol doon. It’s not true!” diin ni Megan sa interview sa kanya sa 24 Oras.

Magsisimula na rin kasi sa bago niyang series ang former Miss World kaya lalo pang matatagalan ang umaasam na makasal na sila ni Mikael, huh!

Beauty Queen nagpakasal sa basketbolista

Ikinasal na ang Bb. Pilipinas Supranational 2018 na si Jehza Mae Guelar sa basketbolistang si Peter June Simon ng Magnolia team.

Naganap ang kasal nina Jehza at OJ last May 28 sa isang garden wedding sa Tagaytay. Bumati sa kanila ang co-players ni PJ sa team na sina Marc Pingris at Mark Barroca.

Dumating sa wedding sina Danica Pingris, beauty queens Venus Raj, Michele Gumabao at PBA legend Alvin Patrimonio.

PAOLO BALLESTEROS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with