^

Pang Movies

Dingdong at Heart may bubuhaying intriga?!

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa
Dingdong at Heart may bubuhaying intriga?!

Si Jennylyn Mercado ang magiging co-host ni Dingdong Dantes sa Season 7 ng Kapuso artista search na Starstruck at hindi si Heart Evangelista.

Pero join pa rin si Heart sa show bilang bahagi ng Starstruck Council as judge. Makakasama niya sina Cherie Gil at Jose Manalo.

Naku, wait na lang ninyo ang pag-ere ng programa kung may mabubuhay na intriga, huh! Kahit na may respective partner na sina Dong at Heart, huh!

Jimmy Nag-Sorry kay Angel

Humingi na ng apology kay Angel Locsin ang singer na si Jimmy Bondoc.  Ginawa ni Bondoc ang apology sa interview sa kanya ni Mocha Uson na aming nabasa sa philstar.com.

“Una sa lahat, buong-buo ang respeto ko sa kanya bilang babae, bilang kapwa entertainer,” pahayag ni Jimmy.

Dagdag niya, “So ang message ko lang is, kung ano man yung personal na nasaktan sa kanya dun sa message ko at sa kapwa niya artista, paumanhin ko.”

Nitong nakaraang mga araw eh nagkaroon ng word war sa social media sina Gel at Jimmy. Kaugnay ito ng post a Facebook page ng singer na waiting siya sa “demise” ng biggest TV network. Wala mang network na sinabi, ABS-CBN ang umano’y tinutukoy niya.

Giniyera siya ng celebrities at ilang nagtatrabaho sa network. Pero may pasubali pa rin si Bondoc.

“Sana sagutin din nila ‘yung totoong point ng post, which is bakit meron tayong ganitong sistema ng kapangyarihan sa media na kahit ano yata puwede nilang sabihin. Kahit na sinong sasagasaan, kahit sinong mawalan ng trabaho, hindi ko maintindihan ‘yon.

“Ma’am, yun lang po ‘yung point ko, maam. Wag na kayong magalit sa akin ma’am. Talagang kawawa ako sa mga katulad ninyo, napakasikat ninyo, wala akong laban. Ako po ay hamak na go­vernment employee.”

Wala pang tugon si Angel sa apology ni Jimmy as of this writing.

vuukle comment

HEART EVANGELISTA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with