^

Pang Movies

Matteo mas inuna ang bayan!

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa
Matteo mas inuna ang bayan!
Matteo Guidicelli

45 days na mawawala sa piling ni Sarah Geronimo ang boyfriend na si Matteo Guidicelli.

Sasabak na sa taining sa Scout Ranger si Matteo at nagpaalam na siya sa supporters at fans niya sa kanyang Instagram kahapon.

“Leaving a song for you guys on Spotify as I enter the Scout Ranger camp today. Hope you guys enjoy it. See you in July,” caption ni Matt sa photo niya. Ang iiwan niyang kanta ay ang version niya ng kantang Sundo under Viva Records.

May chance na sa birthday sa July ni Sarah eh nakalabas na si Matteo.

Nakakabilib ang desisyon ni Matteo na mag-training para sa Philippine Army. May bongga siyang showbiz career at GF na mapagmahal.

Pero iniwan niya ang mga tao kahit panandalian lamang para sa pagmamahal sa ating bayan! To think na half-Italian at half-Pinoy siya, huh!

Good luck, Matteo!

Pero nagka-isyu habang ginagawa pelikulang Banal wagi sa pananakot!

Non-stop ang tilian ng manonood sa sunud-sunod na eksenang nakakatakot sa horror movie na Banal na nagkaroon ng premiere night last Sunday sa Trinoma Cinema.

Bida rito sina Andrea Brilliantes, ang loveteam nina Miguel Tanfelix at Bianca Umali, Taki at Kim Last.

Kakaibang konsepto ng horror ang Banal. Local color ang ambience dahil ang hiwaga sa loob ng kabundukan sinentro ang kuwento at kung paano naapektuhan ang samahan ng magkakaibigan dahil sa naranasan nilang hiwaga.

In fairness, wagi naman ang movie sa pananakot dahil walang tigil ang mga tili sa kagulat-gulat na mga eksena, huh! Magagaling lahat ang mga kabataang artista kaya tiyak na wagi ito sa manonood.

‘Yun nga lang, nagkaroon pala ng isyu ang paggawa ng movie na ayaw nang sabihin pa ng production staff.

vuukle comment

MATTEO GUIDICELLI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with