^

Pang Movies

Mayor Vico parang superstar sa lahat ng nanalo!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Mayor Vico parang superstar sa lahat ng nanalo!
Vico Sotto

Isa na yata si Pasig City Mayor-elect Vico Sotto sa mga kandidato noong nakaraang eleksyon na may pinakama­rami na write-up dahil sa kanyang tagumpay.

Kumbaga sa mga artista, siya ang pinaka-superstar sa lahat ng winners dahil matindi ang pader na kanyang binangga at tinalo.

Siya rin sa mga kandidato ang pinaka-neopyhte dahil isang term pa lang ang paglilingkod niya bilang konsehal ng Pasig City, sumabak agad si Vico sa mayoral race.

At kahit pa nga uncle niya si Senate President Tito Sotto, alam nating lahat na walang hilig sa pulitika si Vic Sotto, ang tatay ni Vico.

Talagang all eyes and ears ngayon ang lahat kay Vico na isang matalino at mabuting anak.

Naniniwala ako na ang mga guidance kay Vico will make him do his job na hindi siya masyadong mahihirapan.

These young politicians will show us how they can make a change, a big leap sa dati nang ginagawa ng old guards.

Malaki ang mga hamon at responsibilidad na haharapin nila at sana huwag silang mabigo.

Sana makamit nila ang cooperation ng mga tao na kasama nila para matupad ang mga pagbabago na kanilang pinapangarap para sa bayan.

Anak ni Dra. Vicki Belo nagpakasal sa lugar ng nag-aalburutong bulkan!

Congrats kay Quark Henares na ikinasal noong Sabado, May 25, 2019, sa kanyang fiancée, ang singer na si Bianca Yuzon.

Simple at very intimate ang pag-iisang dibdib nina Quark at Bianca na ginanap sa Bali, Indonesia.

Complete ang wedding attendance ng mga mahal ni Quark sa buhay, ang kanyang mga magulang na sina Dra. Vicki Belo at Atom Henares, ang kapatid niya na sina Cristalle at Scarlet Snow, ang kanyang pamangkin na si Hunter, ang brother in-law na si Justin at stepfather na si Hayden Kho, Jr.

Hindi lang ako sure kung gaano kalapit ang wedding venue sa Mount Agung, ang bulkan sa Bali na sumabog noong Biyernes.

The mere fact na natuloy ang pagpapakasal nina Quark at Bianca, nangangahulugan ito na hindi nakaapekto sa most important event sa buhay nila ang pagsabog ng bulkan.

Pero kanselado ang flights sa Bali dahil sa Mount Agung eruption kaya aalamin ko kung affected din ng pagsabog ng bulkan ang flight pabalik sa Pilipinas ng mga dumalo sa wedding nina Quark at Bianca.

Quark, Cristalle at Vico napalaki ng maayos ng mga magulang kahit broken family

I’m sure, maligayang-maligaya si Vicki dahil nag-asawa na rin si Quark at looking forward na siya na madagdagan ang kanyang apo.

Maganda ang pagpapalaki nina Vicki at Atom sa kanilang mga anak na magagalang at down-to-earth.

Simpleng-simple lang sina Quark at Cristalle. Hindi sila kagaya ng ibang mga anak-mayaman na pasaway at ipinararamdam nang todo ang presence.

Teenagers pa lang yata sina Quark at Cristalle nang maghiwalay ang kanilang mga magulang and yet, napalaki sila nang maayos at nakatapos ng pag-aaral kaya hindi puwedeng sabihin ng ibang mga product ng broken-home na naligaw sila ng landas dahil ito ang epekto ng break up ng marriage ng nanay at tatay nila.

Magandang ehemplo sina Quark, Cristalle at Vico Sotto na hiwalay ang mga magulang pero lumaki na matitino, may disiplina at responsible.

Toddler pa lang si Vico nang mag-decide ang kanyang nanay na si Coney Reyes na putulin ang pakikipagrelasyon kay Vic pero hindi ‘yon naging reason para mapariwara ang buhay niya.

vuukle comment

VICO SOTTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with