Arnell Ignacio
Protocol officers sa Malacañang hindi malaman ang gagawin sa mga nag-attend na magugulong artista!
Gorgy Rula (Pang-masa) - May 27, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Kumalat pala yung biru-biruang ibubunyag na raw ang mga artistang nasa Narco-list dun sa pa-dinner ni President Rodrigo Duterte sa mga taga-showbiz na naimbitahan sa dinner sa Malacañang nung bago ang eleksyon.

Isa sa naimbitahan doon ay si Arnell Ignacio, kaya nung nakatsikahan namin ang comedian/TV host at dating government official sa radio prog­ram namin sa DZRH nung nakaraang linggo, tinanong namin tungkol nga sa tsismis na babasahin na raw sana doon ni Pres. Digong ang mga pangalan ng mga celebrities na nasa Narco list. Pinigilan lang daw dahil mag-i-eleksyon.

“Biru-biruan namin ni AiAi (Delas Alas) yun,” natatawang sagot ni Arnell.

“Lahat kasi sila nagtatanong. Eh tanong sila nang tanong bakit sila naimbita. Eh kami ni AiAi ang magkasama. So, nagbibiro kami na alam mo kaya naimbita kasi dito ia-announce ang ano..ang narco-list,” dagdag niyang kuwento.

May dagdag pang biruan na nandun pa raw sa dinner ang isa sa nasa listahan.

“Kami kami lang yun, wala pa si presidente dun. Pero I’m sure matatawa rin yun eh. Baka nga magbiro pa yun. Kasi ang daming nagtataka bakit sila naimbita. Kaya niloloko namin na dito i-a-announce,” natatawa pa ring kuwento ni Arnell.

Hindi raw talaga naging malinaw sa kanila kung bakit sila naimbitahan at kung ano ang purpose ng dinner na iyun.

Pero kakaiba raw ang pagtitipong iyun na halos ika-trauma raw ng mga protocol officers ng Malacañang dahil sa ibang-iba raw ito sa mga nakaraang hinu-host na dinner ng presidente.

Kuwento pa ni Arnell; “Ang nakakatuwa pang eksena dun, ang Malacañang, lalo na yung sa Malacañang protocols, hindi sanay sa maingay, lipatan nang lipatan ng silya, tsikahan nang tsikahan.

“Yun ang isang nakakaaliw na…sana nakunan yun kasi makikita mo kapag merong event diyan, ang protocol officers nakapila yan ihahatid sa upuan at manatili na lang dun sa upuan. Tumayo na lang pag dyi-jingle.. eh ito dumating ang mga artista, sina Annabelle Rama, lipatan nang lipatan ng mesa, saka ang ingay. Tapos ang ibang artista nakikialam sa pagwi-welcome. Iyun ang nakakatuwa na parang hindi malaman ng mga protocol officers kung ano ang gagawin nila.

“Maya’t-maya may nauupo dun sa upuan ng presidente.

“Yun pa ang nakakatawa, ang daming upo nang upo dun sa upuan ng presidente. Tapos, lapit na naman sila, ‘ah hindi po puwede diyan kay presidente po diyan. Ay sorry, sorry, sabi nila. Ang daming nauupo dun sa upuan ni presidente.

“Si Presidente nakahawak lang sa ulo niya,” sabi pa ni Arnell.

Natapos daw ang dinner na iyun na hindi nila alam kung para saan talaga ang pagtitipong iyun.

“Parang wala naman gaanong kalalim na nangyari.

“Marami nga ang nagtataka doon bakit sila naimbita.

“Nagsalita si ‘Mam Honeylet, nagpaliwanag siya.

“Si Presidente…alam mo ang nakuha kong impression dun, parang nagpapasalamat si Presidente na ang daming mga artistang hindi sumusuporta sa kanya, gusto niyang pasalamatan itong grupo na nagbigay ng suporta sa kanya.

“Ganun lang, nagkainan na. Si Presidente, hindi naman umikot, nagpa-picture tapos umalis na,” saad ni Arnell.

Hindi lang masagot sa amin ni Arnell bakit wala roon si Mocha Uson dahil halos lahat na nasa showbiz na sumuporta kay Pres. Digong ay nandoon.

Ang alam lang ni Arnell, si Madam Honeylet Avanceña daw ang nag-ayos ng dinner at idinaan sa Office of the President ang imbitasyon.

Hindi raw niya alam bakit wala sa mga imbitado si Mocha o baka hindi lang daw siya puwede nung gabing iyun. 

ARNELL IGNACIO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with