Jane Oineza
Jerome idinenay si Jane
SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon (Pang-masa) - May 27, 2019 - 12:00am

Tonight, May 27, ang premiere night ng dramedy na Finding You na tampok sina Jane Oineza, Barbie Imperial at Jerome Ponce. Tampok din sa movie na dinirek ni Easy Ferrer for Regal Entertainment, sina Claire Ruiz, Kate Alejandrino, Jon Lucas at Paeng Sudayan. Gaganapin ito sa Cinema 7 ng SM Megamall.

Thankful si Jerome Ponce dahil magaganda ang mga projects na ibinibigay sa kanya nina Mother Lily Monteverde at Roselle Monteverde, simula pa noong ginawa niya ang Haunted Mansion sa Metro Manila Film Festival two years ago. Nasundan ito ng Walwal at ngayon siya na ang lead star sa first solo romantic-drama movie na Finding You. At hindi lamang iyon, may kasunod agad itong isa pang youth movie, Ang Henerasyong Sumuko sa Love.

Sa Finding Love, si Jerome ay si Nel na may rare condition called hyperthymesia, iyong naaalaala niya ang every single moment na nangyari sa buhay niya, tulad ng specific dates and time. Hindi maganda iyon for Nel dahil hindi lamang naman minsan siya nagkaroon ng failed relationships at hindi niya malimutang lahat iyon.

“Best friend ko at kababata sa story si Kit (Jane) pero nag-migrate siya sa US kaya nagkahiwalay kami, babalik siya pero naka-schedule na siyang ikasal sa ibang guy.  Pero tutulungan pa rin niya akong i-uncover ang mga vague memories na masyado akong nasaktan,” kuwento ni Jerome. “Pero masaya ako na muli kong nakatrabaho si Jane last teleserye na ginawa namin ang Nasaan Ka Nang Kailangan Kita. Mahusay na actress si Jane at easy to work si Direk Easy Ferrer.”

Wala raw namang katotohanan na naging sila ni Jane, naging best of friends lamang sila dahil he has found na pala his special someone, two years na and she’s not from showbiz.

Sa Wednesday, May 29, ang showing in ci­nemas nationwide ng Finding You.

Max at Sophie nag-away dahil sa stretch marks

Nadala ng emosyon ang isang grupo ng mga nagsu-zumba na malapit sa taping ng Bihag na ang magkaeksena ay sina Max Collins at Sophie Albert na may cat fight ang dalawa. Mukhang nakaka-relate ang mga misis na nagsu-zumba at talagang lumapit sila at sumugod sa nagti-taping. Ang eksena ay inaaway ni Sophie si Max at sinabihan itong laspag na ang role niya bilang si Jessie, dahil may mga stretch marks daw ito. Sabi naman ni Jessie kay Reign (Sophie), “proud ako sa stretch marks ko! Battle scars yan ng pagiging isang ina.” May anak na kasi si Jessie sa story at si Reign ay nagpipilit makuha sa kanya ang asawa nitong si Brylle (Jason Abalos).

Iyong palang mga nagsu-zumbang mothers, ay napapanood ang Bihag at natutuwa sila ngayon na lumalaban na si Jessie kay Reign. Tuloy ba ang laban ni Jessie?

Napapanood ang Bihag araw-araw pagkatapos ng Dragon Lady.

SEO Kang-Jun last year pa napanood

Sa mga Korean drama addicts, huwag ninyong i-miss ang pagsisimula ngayong gabi ng Are You Human na pagbibidahan ng bagong Kapuso oppa na si Seo Kang-jun.  Pero hindi ito ang unang telenovela ni Seo Kang-jun sa GMA Heart of Asia.  Una na siyang napanood sa Cheese in the Trap last year.

Mapapanood ang Are You Human pagkatapos ng Love You Two.

JANE OINEZA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with