Shanti Dope
Kanta ni Shanti Dope na Amatz, pinasikat ng PDEA!
PARINIG NGA! - Lanie B. Mate (Pang-masa) - May 27, 2019 - 12:00am

Inabot nang mahigit 4 million views ang music video ni Shanti Dope na Amatz, ito ang kanyang kontrobersyal na kanta sinasabing pinaiimbestigahan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) dahil diumano sa pagpo-promote ng drugs.

Dahil nga sa nanganganib itong ma-ban, sa YouTube bumirada ang kanyang fans para mapakinggan ito.

Sa ginawang pagpigil dito ng PDEA, mas lalo lang na-curious ang mga tao kung ano bang meron dito, dahil para mas lalo itong pakinggan.

Good man o bad publicity ang nangyari, mas lalo pang pinag-usapan ang batang rapper na ang pangalan ay hango rin sa droga.

Para makabawi, may suggestion ang kanyang mga tagahanga.

Bakit daw hindi subukan ni Shanti na gumawa naman ng kanta na patungkol sa pagpuksa sa droga.

SHANTI DOPE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with