Jimmy hindi mabanggit ang Kapamilya
ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles (Pang-masa) - May 26, 2019 - 12:00am

Tinawag na fake news ni Jimmy Bondoc ang lumabas na balitang “Jimmy Bondoc ipapasara ang ABS CBN kay president Rodrigo Duterte”. Sabi pa ni Jimmy, “Fake news. Una sa lahat, Congress po ang... Never mind.”

May bagong video pala na in-upload si Jimmy at nakuwento na may employee ang ABS-CBN na hinamon siya ng suntukan, tinawagan niya ang naghamon sa kanya at sabi ni Jimmy, nang magkausap sila, tila nag-iba ang pananaw ng kanyang kausap at nag-sorry sila sa isa’t isa.

Napansin lang namin na hindi binanggit ni Jimmy sa video ang ABS-CBN at hindi at puro “organisas­yon” ang paulit-ulit na sinabi. Wala rin siyang binanggit na Kapamilya stars na sabi nito, dumurog sa kanya na mayayaman at maimpluwensya raw.

Sa pagbabasa sa mga comment ng kampi at laban kay Jimmy, nalaman naming graduate ng four-year-course si Jimmy at Law student siya ngayon. Hindi lang nabanggit ng kampi kay Jimmy kung saang school kumukuha ng Law si Jimmy.

Marlon at Pia may pag-asa pa

Natuwa ang shippers nina Pia Wurtzbach at Marlon Stockinger nang mabasa ang comment ni Marlon na “Ayy, ayy, ayy, ayy you’re my sunflower” sa post ni Pia ng flower emojis.

Pina-follow na raw uli nina Pia at Marlon ang isa’t isa sa Instagram (IG) after mabalitang break na sila. Kaya lang, walang sagot si Pia sa comment ni Marlon, dinedma nito ang ex.

Pati pala sa pinost ni Pia na photo niya in a black two-piece swimsuit, nag-comment si Marlon by posting a fire emojis. Hindi tuloy nawawalan ng pag-asa ang fans ng dalawa na magkabalikan sina Pia at Marlon, kahit hindi agad, basta magkabalikan lang sila.

Janine enjoy na enjoy sa New York kahit wala si Rayver

Ang ganda ng IG Stories ni Janine Gutierrez ng New York trip niya dahil ‘yung mga lugar sa New York na hindi pinupuntahan ng mga Filipino tourists, pinuntahan nina Janine at kanyang mga kasama, kaya bago sa paningin.

Pati memorabilia ng The Beatles at old video ng Fab Four habang nagpi-perform, kinunan ni Janine. Aliw din ang video post nito ng 7am concert at ang daming tao sa concert.

Kitang parang hindi naman niya na-miss ang BF na si Rayver Cruz na dapat pala kasama niya sa New York, hindi lang pinayagan ng GMA-7 dahil sisimulan na ang taping ng The Haunted Wife. Sa June 2, pa kasi ang balik ni Janine from New York para dumalo sa graduation ng isa niyang kaibigan.

Nagpaalam sandali si Janine sa taping ng Dra­gon Lady. Regalo na rin ‘yun ng network kay Janine dahil sa mataas na rating ng Dragon Lady at sa ma­husay niyang acting.

Samantala, final episode na pala ng Day Off kahapon at ipinalabas ang lahat ng episodes na pinakatumatak kina Janine, Maey Bautista at Ken Chan.

Aiko walang napala sa pagtulong sa BF?!

Kasama ni Aiko Melendez sa bakasyon niya sa Las Vegas ang inang si Elsie Castañeda at mga anak na sina Andre Yllana at Marthena Jickain. Nauna ang mom niya at mga anak sa Amerika, solong bumiyahe si Aiko.

Hindi sinagot ni Aiko ang tanong ng isa niyang follower kung bakit hindi nila kasama sa bakasyon ang dyowa niyang si Vice-Gov. Jay Khonghun. Sa FB post ni Aiko, inaming may pinagdaraanan ang relasyon nila ng BF, pero hindi pa sila break.

Nangako raw ang BF na susunod kay Aiko sa Amerika para maka-bonding ang mga anak, pero ayaw niyang ipilit at hayaan na lang daw si Vice Gov. ang mag-decide.

Parang gustong ipahiwatig ni Aiko na may problema sila ng BF. Ano ba ‘yan? Pagkatapos ng malaking tulong niya sa kampanya ng BF na pati siya siniraan at umabot pa sa pagdedemanda niya sa nakalaban ng nobyo, maghihiwalay lang pala sila.

JIMMY BONDOC
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with