Derek bumuwelta nang tawaging pina-plastik ang ABS-CBN!
SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza (Pang-masa) - May 26, 2019 - 12:00am

Hindi pinalampas ng bagong Kapuso actor na si Derek Ramsay ang bastos na comment sa kanya ng isang netizen pagkatapos siyang magbigay-pugay sa 65th anniversary ng ABS-CBN via social media.

Noong May 24 ay nag-post si Derek sa kanyang Instagram ng pasasalamat sa ABS-CBN 2. Caption pa niya: “Complete respect to everyone at the kapamilya network. Thank you for many years of service to all filipinos and to the 6 great years i spent with you.”

Maraming netizens ang natuwa sa ginawang ito ni Derek, pero may isang basher na sinabihan si Derek na plastic siya tulad daw ni Asia’s Songbird Regine Velasquez-Alcasid na lumipat last year sa Dos pagkatapos ng maraming taon sa GMA-7.

“Alam mo Derek, kung di ka pa loyal sa GMA ngayon, bumalik ka na sa dos, kase di namin katanggap tanggap ang mga plastik na artista tulad ni Regine,” comment pa ng basher.

Heto naman ang naging sagot ni Derek sa naturang basher:

“wag kang bastos. I’m happy and loyal to GMA. They are great people. May respeto lang ako sa ABS dahil nagtrabaho din ako dun.”

Hindi pa natapos doon dahil humirit pa ang basher. Binanggit pa nito ang paglipat ni Derek sa TV5 noong 2012.

Sey pa ng netizen “No wonder wala kang respect sa TV5, dapat dyan ka rumespeto dahil dyan ka last nag work..nagpapansin ka ba?”

Heto ang sagot ni Derek:

“ikaw yata bro nagpapansin. I’ve always spoken highly of TV5. I had some of my best years there.  I respect your loyalty to abs but there is no need to be rude to prove it. Think about your actions buddy and more important think before you speak.”

Tuloy pa rin ang hirit ng basher kay Derek: “Sa bagay nakinabang ka nga pala sa maduming kalakaran ng DATI mong network, kaya full support ka. Di ba kuya Jimmy Bondoc?”

Heto ang sinagot ni Derek: “look man I have no idea what you are talking about but I hope all of this has brought you happiness in your life.  You seem to have lots of anger bro and if I have helped you in anyway to let you vent out then that’s a positive. Peace bro.”

Divine Aucina mas gusto pa rin ang tradisyonal na ligawan

May dahilan kung bakit wala pang serious relationship ang Dear Uge mainstay at Kapuso comedienne na si Divine Aucina. Ito ay dahil sa mahirap daw makahanap ng seryosong makakarelasyon sa panahon ngayon.

Iba raw kasi ang dating scene ngayon ng mga kapwa niya millennials at hindi raw tulad noon. Gusto pa rin daw ni Divine ‘yung traditional way na panliligaw.

“Hanap ko ‘yung traditional na dating scene. Susunduin ka sa bahay, kakain kayo sa labas, bibigyan ka ng flowers at ihahatid ka. Ngayon kasi, feeling ko ay wala nang formality. Panay sex na ang nasa isip ng mga tao na nasa Dating App,” tawa pa ni Divine.

Kaya ang payo ni Divine sa kapwa millennial niya, maging wise sa pagpili ng date at huwag basta-basta papatol sa taong hindi sensitive sa nararamdaman ng isa.

Mga anak ni Caitlyn Jenner hindi tutol sa relasyon sa 23-year-old girlfriend!

Pinakilala na ni Caitlyn Jenner ng pormal ang kanyang girlfriend na si Sophia Hutchins.

Magkasama ang dalawa sa red carpet event ng 10th Annual Big Fighters, Big Cause Charity Boxing Night in Beverly Hills. 

Color coordinated pa ang suot nila Caitlyn at Sophia. Suot ng 69-year old Caitlyn ay long-sleeved black dress and black heels, while Sophia, 23, rocked white pants, a black turtleneck and a patterned jacket.

Sa red carpet ay nakipag-usap pa ang couple sa boxing legend na si Sugar Ray Leonard and actor Dolph Lundgren.

Noong una ay platonic lang daw ang relationship nila Caitlyn at Sophia hanggang sa mauwi na sa isang serious relationship.

Nagsalita naman ang stepdaughter ni Caitlyn na si Khloe Karda­shian tungkol sa girlfriend nito.“Yes, I believe that she is a transgendered woman as well. She’s really, really sweet too. She’s really sweet. She’s younger, but like, she’s not bothering anyone. She’s super sweet.”

Noong Spring of 2018 unang nakitang magkasama sina Caitlyn and Sophia.

Unang dinala ni Caitlyn si Sophia para ipakilala sa Kardashian-Jenner Family ay noong first birthday party ng grand-daughter niyang si Stormi noong nakaraang February.

DEREK RAMSAY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with