Sexy actress at dyowang sports personality panay ang laswaan kahit nasa eroplano!
YUN NA! - Jun Lalin (Pang-masa) - May 26, 2019 - 12:00am

Mahilig pala talagang mag-PDA ang sexy actress na ito, Ateng Salve.

Akala ko, kaya mahilig mag-post si sexy actress ng pagpi-PDA nila ng kanyang boyfriend ay dahil mahilig sa ganoon si lalaki, pero kuwento ng isang talent handler na nakasabay ni sexy actress at ng boyfriend nito noon na miyembro ng isang sports team, naloka raw siya sa pagpi-PDA ng dalawa sa loob ng eroplano.

“Nakasabay ko kasi sila sa plane pa-Capiz for a fiesta. Siyempre, nakakasama ko na si _________ (pangalan ni sexy actress), kaya tumitingin-tingin ako sa kanya para mapansin niya. Para bumati man lang, pero dedma ang hitad.

“Pagka-take-off ng plane, naloka ako, panay ang halikan nila, huh!

“Wala silang pakialam. Ewan ko kung napansin nila na nanonood ako sa ginagawa nila. Parang SPG movie ang pinanonood ko.

“Mas naloka ako nang mapatingin ako sa harapan ng lalaki. Naka-jogger pants kasi at naka-‘standing ovation’ ‘yung ‘sandata’ niya. Hindi ako maka-get-over. Palagi kong naaalala ang ‘eksena’ nila sa plane. Hahaha!” sey pa ni talent handler.

Supladita nga raw si sexy actress dahil nang magkita na naman sila sa isang event kamakailan, dedma na naman sa kanya.

Richard at Sarah kinuhang ninong ng bunso ang actor na akala ng lahat ay di nila ‘friend’

Sa June 16 na ang baptismal cum belated birthday party ni Kai, ang bunsong anak nina Richard Gutierrez at Sarah Lahbati.

Hindi pa inilalabas ng mag-lovey-dovey ang listahan ng mga ninong at mga ninang, pero isa sa mga kinuha nilang mag-ninong ay ang isang aktor na akala ng iba ay hindi nila close friend, pero ang totoo ay malapit sa kanila at ka-miyembro pa nga ni Richard sa isang motorcycle club.

Abala sina Richard at Sarah sa pag-i-invite sa event na ‘yon ni Kai at sila mismo ang pumili ng mga ninong at mga ninang.

Bukod sa dalawa, excited din na bibinyagan na ang kanyang kapatid si Kuya Zion.

Nang tanungin ko si Zion tungkol kay Kai ay sinabi niyang he’s a good kuya sa kanyang bunsong kapatid.

Alex mas ma-PR kesa kay Toni!

Marami ang nang-iintriga kay Alex Gonzaga dahil palagi ngang nasasangkot sa mga issue ang bunsong kapatid ni Toni Gonzaga-Soriano.

Tactless daw kasi si Alex.

Pero, sa totoo lang, mas ma-PR si Alex compared sa kanyang ate, huh!

Sa tuwing nakikita ako ni Alex, siya ang palaging unang bumabati at nangungumusta.

Si Toni? Ay, ayokong magsalita.

Hahaha!

‘Yun na!

PDA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with