Korean star na si Seo Kang-Joon excitement ang naramdaman sa mga Pinoy
SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar (Pang-masa) - May 26, 2019 - 12:00am

Dumating sa bansa ang rising South Korean star na si Seo Kang-Joon last Friday, May 24 para sa kanyang fan meeting na ginanap kahapon (May 25) sa New Frontier Theater at para na rin sa sa promo ng kanyang hit K-drama na Are You Human? na ipapalabas sa GMA-7 starting this Monday, May 27.

Dumiretso agad si Seo Kang Joon sa isang presscon sponsored by GMA-7 at dito ay na-meet namin for the first time ang aktor, kasama ang ibang invited entertainment press.

Sa naturang “meet the press” event ay sinagot ni Kang Joon ang mga tanong sa kanya ng bloggers at press sa pamamagitan ng isang korea­­n-english interpreter.

When asked kung kabado ba siya since it’s his first time na makapunta sa Pinas, aniya, “It’s not much about nervous, it’s about more of excited because I’ve never met with fans face to face in Manila yet. So, I’m very excited to connect with them, to talk to them, to relate to them, not only as an artist and fan, but as a person and human being.”

Nakakatuwa rin na may alam na Tagalog words ang Korean actor tulad ng “Mahal Kita” at “Kumusta Ka?”

Ang Are You Human? ay ipinalabas sa South Korea noong 2018 sa KBS2. Gina­gampanan ni Seo Kang Joon ang dalawang major character – si Nam Shina na isang mayamang binata who slips into a coma at si Nam Shin III, isang android na ginawa ng kanyang ina at siyang magpapanggap as the real Nam Shina.

Bago ito ay napanood din siya sa ilang mga K-dramas. His first major role was in the 2014 romantic-comedy series na Cunning Single Lady kung saan ay nanalo siyang Best New Actor sa 7th Korean Drama Awards.

Pagkatapos nito, he has appeared in several dramas pero ang talagang break-out role niya na maituturing ay ang Cheese in the Trap in 2016. Dito na nagsimulang umangat ang kanyang popularidad hanggang sa nabigyan na siya ng leading roles, una ay sa Entourage ng tvN in the same year na nasundan pa ng Are You Human and The Third Charm in 2018.

Aiko dumanas ng pagiging normal sa relasyon 

Few days ago pa namin narinig ang isyung tila nagkakalabuan si Aiko Melendez at ang boyfriend na kapapanalo lang na Vice Governor ng Zambales na si Jay Khonghun.

Hindi na pinatagal pa ni Aiko ang issue at nagbigay na agad siya ng pahayag tungkol dito sa isang mahabang post niya sa Facebook.

Nilinaw ni Aiko na walang katotohanan ang tsismis pero aminado naman siyang tulad ng ibang normal couple ay dumadaan din sila sa mga problema.

Sey pa ni Aiko ay very secured daw siya with Jay lalo na ngayon na napatunayan niya ang kanyang pagmamahal nitong nakaraang kampanya.

SEO KANG-JOON
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with